Luther. “Thank you for the flowers. I love it.” It feels so gay but I could feel how everything inside me rumbles as I read the message from Perrie—the woman who kept my mind and heart busy… my little tigress, my kitten. It has been three days since I came back here in Manila and it felt so weird not seeing her. Pagtuntong pa lang ng mga paa ko rito sa siyudad ay parang gusto ko nang bumalik ulit sa isla para makita siya. Mabilis akong mainip kaya nga ayoko sa probinsya, lalong-lalo na sa mga isla. Walang signal. Walang mga ekslusibong bar na pwedeng puntahan kapag gusto mong mag-inom. Puro conservative ang mga babae. Pero hindi ko akalain na sa pagpayag ko sa kasunduan namin ng aking lolo, ay higit pa sa kalayaan ang makukuha ko. I’ve met Perrie Ocampo… for the second time around.