Perrie. “Ang aga naman niyan! Sira na rin tuloy agad ang araw ko! Tsk!” Napatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si Ma’am Bridgette mula sa aking likuran. Kasalukuyan kong inaayos ang mga bulaklak na nasa ibabaw ng aking mesa noong dumating siya at ngayon ay nakikiusyoso na rin sa aking ginagawa. Kinuha niya ang isang bouquet ng pulang rosas at inamoy iyon. “Haba ng buhok mo! Nakakainis! Pasabunot nga!” Sa sinabi niyang iyon ay sinabayan niya nang paghila sa dulo ng aking buhok kaya halos mapatingala ako. Nakangusong sinamaan ko siya ng tingin. “Feeling ko namemersonal ka na!” Kinuha ko ang bouquet na hawak niya at itinabi sa dalawa pa na nasa ibabaw ng aking mesa. Ngayon tuloy ay wala na akong mailagay na iba pa sa mesa ko dahil nasakop na nitong mga bulaklak. Kanina pagpas