Perrie. Luther is completely different from me. He is just out of my league. Una pa lang naman ay alam ko na at kitang-kita ko rin naman ang mga kaibahan naming dalawa, pero kahit na ganoon ay hindi ko pa rin napigilan ang sarili na mahalin siya. Hindi naman siguro masamang pangarapin ang isang tao na mahirap abutin? Sabagay, mangangarap ka ba ng isang bagay na nandiyan lang at isusubo na lang sa ‘yo, hindi ba? You aim higher and you aim what do you think is the best for you… and in my case, I want Luther Cordova. Wala naman sa hinagap ko na tuloy-tuloy ang pagkahulog ng damdamin ko kay Luther. Malay ko bang malakas ang kamandag ng manyák na lalaking ‘to? Para bang isa siyang kumunoy na sa oras na nahulog ka ay hindi ka na makakaahon pa. “Ohhh, hhmm…” Napasinghap ako nang sakupin mul