THIRTY-ONE: Thank You

2087 Words

Perrie. “Ano’ng tinitingin-tingin mo r’yan?” Nagsasandok ako ng kanin at noong tumalikod ako ay naabutan ko si Luther na nakatingin sa akin. Ni hindi man lang siya nag-iwas ng tingin kahit na noong nahuli ko. Sa halip ay pumangalumbaba pa siya sa mesa at pinaglaruan ang kanyang pang-ibabang labi. Nag-init ang magkabilang pisngi ko nang sinadya niya pa talagang tumingin sa aking dibdib bago ngumisi. Pagkatapos ay muling ibinalik ang tingin sa aking mukha. Namumungay ang kanyang mga mata na tila ba nang-aakit. Diyos ko, Luther! Ang aga-aga! Ipinatong ko muna ang bandehado ng kanin sa mesa bago ko siya pinitik sa noo. Wala akong nakuhang bayolenteng reaksyon mula kay Luther, sa halip ay natatawang hinawakan lang niya ang noo na pinitik ko. “Mata mo, Cordova, ha? Kung saan-saan na nama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD