Perrie. Fire lived inside my chest as I felt Luther’s lips on mine. His fiery kisses were blowing my mind and melting every part of me. Kanina ay wala pa ako masyado sa huwisyo, akala ko pa nga ay may multo nang naliligaw rito sa bahay namin—pero may multo bang nanghahalik? Pakiramdam ko bawat himaymay ng aking pagkatao ay nabuhay. Hindi agad ako nakahuma sa kaalamang nandito siya ngayon sa aming bahay, ganoong noong nakaraang araw lang ay hinahanap-hanap ko ang presensya niya. Bago pa mahibang sa mga halik ng lalaking ito at tuluyang halikan siya pabalik ay buong lakas na tinulak ko siya sa dibdib palayo. Parehong habol namin ang hininga at ramdam ko pa rin ang init at kalambutan ng kanyang labi sa aking mga labi. “Kitten…” Luther whispered as he tries to reach my hand. Bago pa ni