Perrie. “Nandito ka na naman?!” bungad na bati ko kay Luther nang kinabukasan, Araw ng Linggo, alas otso pa lang ng umaga ay nasa tapat na siya ng pintuan ng aming bahay. Tinaasan ko siya ng kilay, ngunit sa halip na pansinin ang sinabi ko ay nilapitan lang ako ni Luther, pagkatapos ay agad na hinapit ang aking bewang. Napapasinghap na naitukod ko ang mga braso sa kanyang dibdib. “Good morning, baby…” He then gave me a peck on my forehead and the tip of my nose. Namumula ang pisngi na sinamaan ko siya ng tingin, pero ang hudyo ay nginisian lang ako. “Aba’t—” Akala ko’y tapos na siya ngunit wala pang ilang minuto ay naangkin na niya ang aking labi. Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat. Bago pa ako makatugon sa halik ay inilayo na ni Luther ang labi sa akin. Bahagya rin niyang inilayo