Perrie. “Kumakain ka naman siguro nito?” Nasa hapag kaming dalawa ni Luther para magtanghalian. Pinauna ko nang kumain sina Pia at Patrick dahil hindi rin naman kami kasyang apat dito sa hapag-kainan kung sakali. Maliit na bilog na mesa lang naman at dalawang monoblock chair ang nandito sa komedor. Hindi rin naman kasi naman namin nakakasabay kumain ang nanay namin kaya sakto lang kung ilan ang gamit dito sa kainan namin. “Pasensya ka na, maliit lang itong espasyo. Hayaan mo kapag nanalo ako sa lotto ay bibili ako noong mahabang mesa!” natatawang sabi ko habang nilalagyan ko ng kanin ang kanyang plato. “There is no certainty with that, baby. I can buy you a bigger one if you will just let me,” sagot ni Luther na nagpawala ng ngisi sa aking labi. Uminom muna ako ng tubig bago siy