Perrie. “May b-bisita ka pala, Ma’am Perrie!” Magkasabay pa kaming napatikhim ni Ma’am Bridgette. Hindi ako halos makatingin sa kanya na hanggang ngayon ay mukha pa ring hindi makabawi sa nadatnan. Ang ibig kong sabihin ay wala naman siyang kakaibang nadatnan dahil naitulak ko na si Luther palayo bago pa kami makita ni Ma’am Bridgette. Pero ang presensya pa lang ni Luther ngayon ay siguradong kung ano-ano na ang papasok na konklusyon sa utak ng aking kaibigan. “G-good morning, Mr. Cordova…” nahihiyang bati ng co-teacher ko kay Luther. Wala akong narinig na sagot mula sa kanya kaya pasimple akong sumulyap sa gawi niya, pero muntik na akong mapamura nang sa halip na balingan ng tingin ang kumakausap sa kanya ay halos tunawin niya ako ng tingin mula sa kanyang kinatatayuan. Pinanla