Kinabukasan ay ramdam ko ang kakaibang sigla pagmulat pa lang ng mga mata hanggang sa makapasok sa school. Mas lalo pang lumaki ang ngiti sa aking labi nang madatnan ko sa aking mesa ang isang palumpon ng mga pulang rosas. “Good morning, beautiful. I will see you later.” Mayroong nakaipit na card sa mga bulaklak at halos mapunit na ang labi ko kangingiti nang mabasa ang pangalan ni Luther. Noong mapatingin ako sa salamin ay kakulay na ng pisngi ko ang bulaklak na nasa aking harap. Paano niya kaya nailagay rito sa classroom ang mga bulaklak na ito? Hindi ko pa naman siya nakikita sa paligid mula pa kanina noong dumating ako. Naka-lock pa rin naman itong pinto ng classroom. “Ay ano pa po kaya ang iniikot nina Honey at Joseph, hmm?” Alas siete y media ay kumpleto na ang mga bata sa lo