“L-Luther?” Napatayo ako mula sa pagkakaupo at kailangan ko pa siyang tawagin sa kanyang pangalan para masiguro na nandito talaga siya sa aking harap. Nagbaba pa ako ng tingin sa cellphone na nasa ibabaw ng mesa bago muling ibinalik ang tingin sa lalaking nakatayo sa harap ko. Hindi ako makapaniwalang nandito siya ngayon dahil sa pagkakatanda ko ay kausap ko lang siya kanina sa cellphone. “B-bakit ka n-nandito?” Hindi ko alam kung ano pa ang magiging reaksyon. Kulang ang sabihing nagulat ako sa presensya niya ngayon. “Take it back, kitten,” walang kangiti-ngiting saad ni Luther habang mariing nakatingin sa akin. Nangunot ang aking noo. Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin. “H-huh? A-ano bang s-sinasabi mo?” Naisuklay ko ang daliri sa aking buhok para kahit paano