“Lintek, Cordova! Sagutin mo ang tawag ko…” Kanina pa ako bumubulong habang panay ang pagtipa ko sa hawak na cellphone. Kanina ko pa—mali, simula kahapon ko pa sinusubukang tawagan si Luther pero laging cannot be reached ang cellphone niya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko siyang tinawagan. Malapit nang magpaltos ang daliri ko kapipindot at malapit na ring maubos ang pasensya ko. “Okay ka lang po, Mama?” Bahagya akong kumalma nang tumabi sa akin si Pia na hawak na naman ang manika na bigay ko sa kanya. Nakangiting tumango ako bago hinaplos ang kanyang itim na itim buhok. “Okay lang si mama, mahal ko.” Sa sobrang abala ay hindi ko napansin na pinapanood pala ako ni Pia. Nagtagal pa ang tingin niya sa akin bago tumango. “Okay po, mama…” tipid niya akong nginitian bago bumal