Perrie. “Naku naman itong batang ‘to, oo… Ako ang naririndi kahihingi mo ng pasensya, nene.” Bago pa lang halos sisikat ang araw kinabukasan ay nandito na ako sa bahay ng mag-asawang Pining at Terio para humingi ng paumanhin sa nangyari sa motor nila kagabi. Nagulat pa nga ang mag-asawa dahil ang akala nila ay ibibilin kong muli si Pia kahit na Sabado ngayon. Kasama ko rin si Pia pagpunta rito pero nandoon siya sa salas at mag-isang naglalaro, habang kaming tatlo naman ay nandito sa tapat ng hapag masinsinang nag-uusap. “P-pasensya na po, ‘nay. Hiyang-hiya po talaga ako…” Mariin kong kinagat ang nanginginig na labi para pigilan ang napipintong pag-iyak. Nahihiya ako sa nangyari. Halos wala na akong mukhang maiharap sa kanila. “Wala namang may gusto sa nangyari kaya ‘wag mo nang isi