Perrie. “May isang libo ka bang hawak diyan, Perrie?” Wala pang alas singko ay tapos na akong magluto ng almusal at ng baon namin ni Patrick. Kasalukuyan ako naglalagay ng kanin sa lunchbox nang lumapit si nanay. Ang isa pang ikinagulat ko ay ang aga niyang gumising ngayon. Madalas ay alas diyes o hindi kaya ay alas onse na sisya gumigising. “Ano? May isang libo ka ba r’yan?!” Nakapamewang na nakasandal siya sa mesa habang nakatingin sa akin. Medyo magulo pa ang buhok niya na para bang nagmamadali sa pagbangon. “Saan n’yo ho gagamitin ang isang libo?” tanong ko habang nagsasalin ng ulam. “Babayaran ko kay Mary Jane ‘yong ulam na inutang ko sa kanya noong nakaraang linggo pa. Ang tagal na no’n! Nakakahiya na!” Bakas angg pagkainip sa kanyang mukha. Nakalahad na rin ang kamay ni