ELEVEN: Laro

3176 Words

“Ate…” Kasalukuyan akong gumugupit ng mga karton ng sigarilyo na gagamitin ko para sa paggawa ng flashcards. Kaysa bumili o kaya ay magpa-print ay mas makakamura pa kung ako mismo ang gagawa. Heto nga at libre ko lang nakuha ang mga karton ng sigarilyo. Mabuti na lang mababait ang mga may-ari ng tindahan dito sa amin. Kung minsan nga ay nakakalibre pa ako ng ballpen at papel. At saka mamahalin man o hindi, nasa pagtuturo pa rin naman iyon para matuto ang mga bata. “Yes, what do you need?” Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa habang si Patrick ay umupo sa sahig sa aking tabi at nagsimulang pakialaman ang mga natapos ko nang gupitin. Mamaya ko na lang susulatan ang mga ito kapag natapos na akong isukat ng pare-pareho ang mga karton. “Ay wow! English-era ‘yan?!” natatawang biro niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD