CHAPTER 5

1525 Words
NAPAIGTAD si Carli sa biglang pagbuhos ng malakas na ulan. Sa sobrang lakas niyon ay halos nadarama niya ang malalaking patak ng ulan sa ulunan niya kahit na may bubong ang kotse niya. Nang tumingin siya sa labas ay napansin niyang madilim na sa paligid at hinahampas ng malakas na hangin ang mga puno. Tumingin siya sa wristwatch niya at nanlaki ang mga mata nang makitang alas-tres na ng hapon. Mahigit isang oras siyang nakatunganga lang doon. Pinaandar niya ang kanyang sasakyan. Ngunit kahit malakas ang ulan at alam niyang kailangan niyang bilisan ay hindi pa rin naalis sa isip niya ang mga alaala ng nakaraan. Katulad ng ipinangako ni Cade nang araw na iyon sa falls ay binalikan siya nito. Kinabukasan ng alas-sais ay nagising siya sa mahinang katok sa nakasarang bintana ng maliit na kuwartong tinutulugan niya. Nagulat siya nang sumilip siya sa labas at ito ang makita niya. Niyaya siya nitong maglakad-lakad at walang pag-aalinlangan siyang nagpaunlak. Mula noon ay palagi na nilang ginagawa iyon tuwing umaga. Palagi silang naglalakad sa mga bahagi ng San Jose na walang gaanong mga bahay. Napansin kasi niya na mas gusto nito sa mga ganoong lugar dahil bihira na raw ang ganoon sa Maynila. Tuwing magkasama sila ay palagi siyang tumatawa. Bagay na hindi niya naranasan buong buhay niya bago niya ito makilala. Sa tingin niya ay masaya rin si Cade na kasama siya dahil palagi rin itong tumatawa at nakangiti. Palagi rin siya nitong inuudyukan na kumanta. Cade became her first and number one fan. Araw-araw siya nitong pinupuntahan sa loob ng dalawang linggo. Kasama rin niya ito noong eighteenth birthday niya at nang malaman nito iyon ay isinayaw siya nito habang nasa falls sila kahit walang tugtog. It was too good to be true and she wished it will never end. Masyado siyang masaya kapag kasama si Cade na ni hindi niya itinanong kung saan sa San Jose ito nakatira o kung sino ang mga magulang nito. Kaya gulat na gulat siya nang malaman niya kung sino talaga ito at kung saan ito nakatira. Huminga nang malalim si Carli nang matanaw niya ang malaking bahay ng mga Abrera sa kabila ng dilim at lakas ng ulan. Nakatayo iyon sa mataas na bahagi ng San Jose. Pataas ang daan papunta roon kaya nahiling niyang hindi siya mahirapan sa lakas ng ulan. Ngumiti siya nang mapait. Sa tingin niya mas malaki iyon kompara noong huli niya iyong nakita. Ang malaking bahay na dati ay tinatanaw lang niya mula sa bahay nila. Ang bahay ng pinakamayamang pamilya sa San Jose. Cade’s house. Kung bakit hindi agad niya naisip na anak ng mayor nila si Cade ay isinisisi niya sa puso at isip niyang walang ibang laman kundi ang masasayang sandali nila noon. Sa totoo lang, ayaw na niyang bumalik pa roon. But now she had no choice. It was time to tie up all the loose ends. And move on. Kahit pa mahigit isang dekada na niyang pilit iyon ginagawa pero hindi niya magawa.   “YOU CAN relax, Cade. Our conversation turned out fine, I guess. Mabuti na lang, pumayag siyang magpunta rito. For a moment there, I thought she will make it difficult for us,” sabi ni Atty. Fernandez kay Cade. Nasa loob sila ng library na nagsisilbi ring opisina ni Cade sa bahay. Kanina pa sinasabi ng abogado niya na mag-relax siya ngunit hindi niya magawa. Not when he knew Carli was coming. Not when he was about to see her again in the flesh after so many years. “Cade,” muling pukaw ni Atty. Fernandez. Bumuntong-hininga siya ngunit hindi kumilos sa pagkakasandal sa swivel chair na dati ay sa kanyang ama. “I am relaxed, old man,” aniya rito. Saglit na pinagmasdan siya nito bago umiling. Pagkatapos ay walang salitang lumabas ito ng library. Naiwan siyang walang ibang kapiling kundi ang tunog ng malakas na ulan at hangin sa labas. Iginala niya ang tingin sa loob ng library. Mula nang magretiro ang kanyang ama at tumigil na sa pagtakbo bilang mayor ng San Jose ay ibinigay na nito sa kanya ang bahay na iyon at ang posisyon nito sa political party nito. Kasalukuyang nasa Macau ang kanyang ama kasama ang mga kaibigan nito upang magbakasyon. Habang siya ay napipisil ng partido na tumakbo bilang susunod na mayor ng San Jose. Pumayag siyang tumakbo sa darating na eleksiyon dahil gusto talaga niyang paglingkuran ang bayang iyon. Napagtanto niya iyon nang bumalik siya roon tatlong taon na ang nakararaan, nang pumanaw sa cancer ang kanyang ina at kinailangan niyang manatili roon upang tingnan ang kanyang ama. Because his father was inconsolable back then, he was given a special power of attorney so he could take over his father’s role as mayor. Noon niya nakita kung ano ang mga maaari niyang gawin para sa San Jose. Na mas marami siyang matutulungan doon. Sure, he was still a prospective partner in the huge law firm where he worked since he passed the board. Ngunit suportado ng boss niya sa law firm ang plano niyang pagsabak sa politika. Basta huwag lang daw siyang aalis muna sa firm. After all, he was one of the most sought-after corporate lawyers of the firm. At thirty-two, he had represented almost a dozen multi-million companies in the country. At kahit isang beses ay hindi pa siya natatalo. He was an asset to the company, according to his boss. Kaya ngayon ay pilit niyang pinagkakasya ang oras niya sa napakaraming dapat gawin at isipin. Ngunit sa mga oras na iyon, wala roon ang isip ni Cade. Nasa babaeng kanina lamang ay naririnig niya ang boses habang naka-speaker ang telepono at kausap ng abogado niya na pamana rin ng kanyang ama sa kanya. Ayon kasi sa kanyang ama ay masyado na siyang abala para asikasuhin pa ang annulment niya kaya ipagkatiwala na lang niya iyon kay Atty. Fernandez. He heard every word Carli said, spoken and unspoken. He clearly heard her bitterness, her sarcasm, and her coldness. At saglit niyang naisip kung ito nga ba ang babaeng nakilala niya mahigit isang dekada na ang nakararaan. But then, who knows what the years did to her? The years had definitely made him different from the man she once knew. Hindi na siya ang dating Cade na puro determinasyon lang ang mayroon. Lahat ng gusto niya mula pa noong nag-aaral pa lang siya ay mayroon na siya ngayon. Natupad niya lahat ng nakinita niyang magiging hinaharap niya. Except one. When he was young, part of his dreams for the future was a happy family. With her. Pero hindi lang siya ang may kasalanan kung bakit hindi iyon natupad. May mga bagay siyang gustong malaman kay Carli ngunit wala siyang lakas ng loob na nagtanong. Kung naging masaya ba ito noong maghiwalay sila. Kung gaya niya, para dito, isang malaking pagkakamali ang pagpapakasal nila. Kung ilan ang lalaking dumaan sa buhay nito nang maghiwalay sila. At kung pinagsisisihan ni Carli ang ginawa nito noon na naging dahilan kung bakit sila naghiwalay. Dahil hanggang ngayon, hindi pa rin niya mapatawad nang tuluyan sa ginawa ni Carli. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya mapatawad ang sarili niya na nagkamali siya ng pagkakakilala rito. There were times when he wanted to search for her, only to hurt her for what she did. Minsan ay gusto ni Cade magpakita kay Carli at tanungin kung kontento ba ito sa career nito kahit pa malaking bagay ang naging kapalit niyon. Ngunit ano pa ba ang silbi ng lahat ng iyon? Matagal na panahon na ang lumipas at hindi na nila maibabalik ang lahat. All they can do was to move on with their lives. Separately. At ngayon, pagkalipas ng maraming taong pagpapaliban ni Cade, alam niyang panahon na para putulin ang ugnayan nila ni Carli. It was time to have their marriage that began on a whim and ended long ago annulled. Bumuntong-hininga siya at marahas na tumayo. Lumapit siya sa malaking bintana sa bahagi ng library na nakatapat sa daan papunta sa bahay. Pinapalabo ng malakas na ulan at hangin ang pataas na daan na sa simula ay halos wala siyang makita. Ngunit nang maningkit ang mga mata niya at titigan iyon ay may napansin siya. Something was in the middle of the road. A car. At mukhang nakahinto iyon. Pagkatapos ay nakita niyang may bumaba mula roon, habang malakas ang ulan at hangin. Bigla ay nagkakutob siya kung sino ang taong iyon na mukha pa yatang nasiraan ng sasakyan sa gitna ng masamang panahon. Napamura siya at mabilis na tumalikod. Pagkatapos ay malalaki ang hakbang na lumabas siya ng library at dumeretso sa garahe. Nakita pa siya ni Atty. Fernandez at tinawag siya ngunit hindi siya lumingon. Nais niyang mapuntahan agad si Carli. Nang lumabas siya ay lalo niyang nakita kung gaano kalakas ang ulan at hangin. Baka mabagsakan pa ito ng kung ano habang nasa gitna ito ng daan. Nakasakay na siya ng sasakyan nang muli siyang mapamura sa realisasyon. That she could still make him panic for her safety like this despite the many years of he had not seen her. Damn it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD