CHAPTER 6

2044 Words
“GREAT!” frustrated na sigaw ni Carli at naiinis na sinipa ang gulong ng Toyota Corolla. Oo nga at gusto niya ng lumang sasakyan para hindi siya mapansin. Pero hindi kasama sa gusto niya ang itirik siya niyon sa gitna ng daan kung kailan malapit na siya sa kanyang destinasyon. Wala tuloy siyang pagpipilian kundi ang lumabas ng sasakyan. Only to realize that the rain and the wind were stronger than she thought. Kaya hayun siya, wala pang limang minuto ay basang-basa na. Bumuntong-hininga siya at marahas na hinawi ang mga buhok niyang tumakip sa mukha niya. Ang tanging magagawa na lang niya ay lakarin ang natitirang distansiya patungo sa bahay ni Cade. Ang kaso, hindi sa ganoong paraan niya pinlano na makipagkita kay Cade. It was so pathetic. At isa si Cade sa mga taong ayaw na niyang makita siya bilang nakakaawa. She’d had more than enough of that when she was young. Pumikit siya nang mariin. Wala ring silbi kung hihintayin niyang tumila ang ulan na mukhang malabong mangyari. Basa na rin naman siya. Nahiling na lang niya na sana hindi pa niya makita si Cade hangga’t hindi pa siya nakakapagpatuyo. Besides, baka wala ito roon. Baka ang abogado lang nito ang haharap sa kanya. Kahit paano ay gumaan ang loob niya sa naisip. Dumilat siya at sinigurong naka-lock ang mga pinto ng sasakyan niya dahil nasa loob pa ang shoulder bag, cell phone, at wallet niya. Pagkatapos ay nagsimula na siyang maglakad paakyat. Hindi pa siya nakakalayo sa kotse niya nang may matanaw siyang kumikislap na liwanag sa harap niya. Napahinto siya nang mapagtanto niyang nanggagaling iyon sa front lights ng isang sasakyan; na sigurado siyang galing sa bahay nina Cade. Niyakap niya ang sarili at hinintay iyong makalapit. Kung sino man iyon ay baka mahingan niya ng tulong na ihatid siya papunta sa bahay. Please, just don’t let it be him or his parents… especially his mother. She hates me. And I hate her. After all the things she did to me. Kaya nang makalapit na ang sasakyan at makita ni Carli kung sino ang nagmamaneho niyon, pakiramdam niya ay nahulog ang puso niya at hindi siya makahinga. Lalo na nang huminto iyon sa gilid niya at bumaba ang bintana ng passenger’s seat niyon. It was Cade. Mas matanda nang labing-isang taon. Mas mature tingnan. And more gorgeous. Nagtama ang mga mata nila at hindi niya makita ang kislap sa mga matang iyon na noon ay palaging naroon. Walang emosyon ang mga mata nito. At kahit pilit niyang binabale-wala ay nagdulot iyon ng munting kurot sa puso niya. Hindi niya kilala ang lalaking ito. Napakurap si Carli nang dumukwang si Cade at binuksan ang pinto sa passenger’s seat. “Get in,” pormal na utos nito. Saglit na sumulyap siya sa sasakyan niyang nasa gitna pa rin ng kalsada sa halip na tumalima. “I will ask somebody to tow your car kapag tumila na ang ulan. For now, get in. You’re soaked. Hindi puwedeng magkasakit ang mga tulad mo, hindi ba?” Pinaglapat niya nang mariin ang mga labi sa nahimigan niyang sarkasmo sa tinig nito. “I’ll just get my bag.” Bago pa ito sumagot ay patakbo na siyang bumalik sa kotse niya. Nang makuha na niya ang bag niya at muling mai-lock ang kotse niya ay nakitang niyang namaniobra na ni Cade ang sasakyan nito pabalik sa direksiyon ng bahay. Bumusina ito kaya patakbo siyang lumapit doon. Binuksan uli ni Cade ang pinto sa passenger’s seat. Walang salitang sumakay siya roon. Binalot sila ng katahimikan nang umaandar na ang sasakyan. Ni hindi ito lumilingon sa kanya. Ngunit kahit ganoon ay nararamdaman niya ang pagiging distant nito. Mukhang gaya niya ay ayaw siya nitong makita. So, she did her best to act just as distant, to not look at him. Even if her stomach was churning from his nearness. At alam niyang hindi magandang pahiwatig sa kanya ang reaksiyon niyang iyon. She knew it will only bring her trouble. And another heartbreak. Kung hindi siya mag-iingat.     IT TOOK all of Cade’s willpower to remain relaxed and indifferent. Kahit na ang kagustuhan niyang higpitan ang pagkakahawak sa manibela at itiim ang mga bagang dahil sa tensiyon ng pagkakalapit nila ni Carli ay kinontrol niya. Ayaw niyang isipin nito na may epekto pa rin ito sa kanya. Kahit pa wala siyang ibang gusto nang magtama ang mga mata nila kundi ang hawakan si Carli sa mga balikat at yugyugin, sumbatan, at pasakitan. Dahil kahit mahabang panahon na ang lumipas, makita lang niya ito, pakiramdam niya ay bumalik sa isip niya ang lahat ng nangyari sa nakaraan. At iyon ang ayaw niyang gawin. Kaya nanahimik na lamang si Cade at iniwasan itong tingnan habang nasa loob sila ng sasakyan pabalik sa bahay niya. Maging nang ihimpil niya ang sasakyan sa garahe at umibis doon ay hindi niya ito inabalang tingnan. Saka lang siya bumaling kay Carli nang makababa na rin ito at wala na siyang pagpipilian kundi ang kausapin ito. Akmang ibubuka niya ang mga labi nang tila may bumikig sa lalamunan niya nang mapasadahan niya ito ng tingin. Humahakab na sa katawan ni Carli ang basang-basang pang-itaas nito na halos transparent na. It gave him a very clear view of her womanly curves. From her round and firm breasts down to her narrow waist and shapely hips. She was sexy and beautiful when she was seventeen. She looked even better now. Hindi dahil may ipinabago ito sa katawan nito na madalas gawin ng mga celebrity na tulad nito. He knew her body had matured naturally. And so had her face. Alam niya dahil kahit naiinis siyang isipin ay kabisado pa rin niya ang lahat-lahat kay Carli. Na sa kabila ng maraming taon ay nakapagkit pa rin iyon sa isip niya, nakikita pa rin niya tuwing ipinipikit niya ang mga mata. At kahit minumura at kinakalma ni Cade ang sarili sa isip ay hindi niya magawang alisin ang tingin kay Carli. Especially because he knew that he had seen her naked before, he had touched and kissed every part of her body and he had made love to her like there was no tomorrow. That he was married to this woman. They were estranged, though. Niyakap ni Carli ang shoulder bag nito at nakita niyang nangaligkig ito sa lamig kaya muling umangat ang tingin niya sa mukha nito. Hindi ito nakatingin sa kanya. Pasimple siyang huminga nang malalim at namulsa. “`Yan lang ba ang dala mo?” pormal na tanong ni Cade. Noon bumaling sa kanya si Carli. Nagtama ang mga mata nila. Wala siyang mabasang kahit ano sa mga mata nito. Hindi tulad noon na kayang-kaya niyang mahulaan kung ano ang nararamdaman at iniisip nito. Her eyes always said it all. But now he could read nothing from the expression in her eyes. “Yes,” simpleng sagot nito. Kumunot ang noo niya. “Hindi mo man lang naisip na magdala ng ekstrang damit pamalit?” Hinawi ni Carli ang buhok na bumagsak sa pisngi nito bago sumagot. Natagpuan niya ang sariling sinusundan ang bawat kilos nito. “Ang plano ko, sandali lang ako rito. Hindi ko alam na uulan nang malakas at titirik ang kotse ko,” sagot nito sa bahagya ng garalgal na tinig. “Come in then. Pahihiramin kita ng isusuot mo. I will ask someone to dry your clothes,” aniyang nagpatiuna na sa paglalakad papasok sa bahay. Naramdaman niya ang pagsunod nito sa kanya at kahit nangangati siyang lingunin ito ay hindi niya ginawa. Kahit nang umakyat na siya sa hagdan papunta sa silid niya. Sa sulok ng mga mata niya ay napansin niya ang ilang mga kasambahay niyang curious at nanlalaki ang mga matang nakatingin kay Carli. Bago ang mga nagtatrabaho sa bahay niya kaya hindi alam ng mga ito kung sino si Carli sa buhay niya. But then, he was sure they knew her as the famous vocalist for an international girl band. Alam niya dahil naririnig niya ang usapan ng mga tauhan niya sa kusina kapag sumisilip siya roon. Maging ang pag-ilanlang ng boses ni Carli tuwing ang pinakikinggan ng mga tao roon ay mga awitin ng banda nito. Agad niyang binuksan ang pinto ng master’s bedroom na siyang silid na niya at bumaling kay Carli nang mapansin niyang huminto ito sa paglalakad. “What?” Kumurap ito at tila may sinulyapan sa kaliwang bahagi ng pasilyo. “Hindi `yan ang kuwarto mo,” usal nito. Hindi siya nakahuma. Ngayon ay sigurado na siyang ang dating silid niya sa dulong bahagi ng pasilyong iyon ito nakatingin. Memories of tangled sheets and their bare bodies came to mind. Ipinilig niya ang ulo upang palisin iyon. “Well, this is my room now.” Nang humarap si Carli sa kanya ay mabilis siyang tumalikod upang magtungo sa walk-in closet. Humablot siya ng T-shirt niya at boxers. Nang lumabas siya ay nasa loob na ito ng silid at tila naiilang na nakatayo lang sa carpeted na sahig. Hindi na nito yakap ang bag nito kaya nakikita na naman niya ang nasa ilalim ng basang damit nito. Nag-iwas siya ng tingin at inilapag sa couch ang mga damit na hawak niya. “Wear this. Pagkatapos, iwan mo na lang dito ang mga basa mong damit. I will have someone take care of it. Nandoon ang banyo. Go take a shower first.” Nang hindi ito sumagot ay napilitan siyang tingnan uli ito. Titig na titig ito sa kanya. For some reason, it made him feel defensive. “What?” Umiling ito. “Wala,” matipid na sagot ni Carli. Pagkatapos ay naglakad ito palapit sa mga damit na inilapag niya sa couch. Nakatayo pa rin siya sa tabi niyon at alam niyang dapat siyang lumayo at lumabas ng silid upang bigyan ito ng privacy. Ngunit tila itinulos ang mga paa niya sa kanyang kinatatayuan. Kaya nang yumuko ito upang abutin ang damit na ipinapahiram niya rito ay nagtama ang mga braso at tagiliran nila. Natigilan siya. Ito naman ay napaigtad at mabilis na tumuwid ng tayo. Nanlalaki ang mga matang tumingala ito sa kanya. Nakita niya ang unang emosyon sa mga mata nito mula nang magkita sila kanina: pagkataranta. For some reason, that irritated him. Tumiim ang mga bagang niya. “Well, iiwan na kita rito,” malamig na sabi niya. Hindi na niya ito hinintay na sumagot. Mabilis siyang lumabas ng silid at isinara ang pinto. Huminga siya nang malalim nang nasa pasilyo na siya. Hinawi niya ang buhok at wala sa loob na napalingon sa silid niya noon—to the room where he brought her that day. Tatlong linggo mula noong una silang magkita. Tatlong araw bago niya kailangang bumalik sa Maynila. Ang intensiyon niya nang araw na iyon ay magpaalam dito na aalis na siya. But he found it difficult to say good-bye to her. Ang akala niya ay hindi siya mahihirapan. After all, noong una, naniniwala siya na kaya siya bumalik upang makita ito ay dahil ayaw niyang ma-bore sa San Jose habang naroon siya. That she will be a good pastime. Pinilit lang kasi siya ng mama niya noon na manatili roon buong bakasyon. Alam niya na kapag umalis na ang mga kabarkada niya pagkatapos ng graduation party niya ay mabo-bore na siya. Kaya bumalik siya sa KTV bar nang umaga. Kahit na hindi lumalabas si Carli ay bumabalik siya. Sinabi niya sa sarili na kaya siya bumabalik ay dahil nabo-bore siya. Ngunit sinusubukan niyang pumunta nang madaling-araw at makitang muli si Carli, nang makita niyang nagliwanag ang mukha nito nang makita siya ay may kung ano sa loob niya ang tila hinalukay. At sa bawat araw na kasama niya ito, palaging tila may mainit na kamay na humahaplos sa dibdib niya. Palaging tila wala siyang ibang nais gawin kundi ang tumawa at makita itong masaya, ang makasama ito, ang pasimpleng mahawakan ito. And yes, to kiss her too. Pinipigilan lang niya ang sarili dahil alam niyang bata pa ito. Subalit nang araw na iyon, hindi na niya napigilan ang sarili. Lalo na at alam niyang ilang araw na lang, kakailanganin na niyang bumalik sa Maynila…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD