CHAPTER 7

1936 Words
Nasa falls na naman sila nang araw na iyon, ang bahagi ng San Jose na naging paborito na ni Cade. Naglalaro sila sa tubig at umaalingawngaw sa paligid ang tawanan nila. Nakaupo siya sa batuhan sa tabi ng T-shirt at pantalon niyang hinubad niya kanina at ekstrang damit ni Carli na dinala nitong pamalit. Nasa tubig pa ito at tumatawa nang malakas. Katatalon lang kasi nito mula sa cliff. Kahit siya ay natatawa. Not because he found something amusing but because he always felt laughter bubbling in his chest whenever he was with her. Gustong-gusto niya ang tunog ng tawa ni Carli. He loved staring at her sparkling eyes whenever she was happy. He loved listening to her whenever she sang. At tuwing tumitingala at ngumingiti ito sa kanya, pakiramdam niya ay natutunaw siya. He also loved it when their hands accidentally touched the first week they met. Kaya nang sumunod na linggo na hindi na siya nakatiis ay hinahawakan na niya ang kamay nito tuwing magkaagapay silang naglalakad. Nang malaman niya ang tungkol sa kabataan nito, tungkol sa ina nito at sa iniisip ng mga tao rito, gustong-gusto niya itong ikulong sa mga bisig niya at protektahan laban sa mundo. Sa tagong bahagi ng isip niya alam niya kung ano ang nangyayari sa kanya. Kung ano ang damdaming umuusbong sa loob niya. It was the first time it ever happened to him. And he realized it felt exhilarating—to feel something this strong for someone. Tinitigan niya ito nang umahon ito sa tubig. Her plain T-shirt and shorts were hugging her body. Nawala ang ngiti niya at napaderetso siya ng upo. Ang tawang nasa dibdib niya ay napalitan ng mas matinding reaksiyon. He was turned on. Lumapit si Carli sa kanya at nakangiting tiningnan siya. Nang magtama ang mga mata nila ay ikinuyom niya ang mga kamay sa pagpipigil na hablutin ito at paglapitin ang mga katawan nila. Paulit-ulit niyang ipinapaalala sa sarili na hindi pa handa si Carli sa tumatakbo ngayon sa isip niya habang nakatingin siya rito. Na espesyal ito sa kanya at ayaw niyang takutin ito. Huminga nang malalim si Cade, pilit kinakalma ang malakas na kabog ng dibdib niya at init na kumakalat sa buong katawan niya. Pagkatapos ay pilit siyang ngumiti. “Napagod ka na ba sa wakas?” pabirong tanong niya kahit pa biglang nanuyo ang lalamunan niya. Tumawa si Carli at umupo sa tabi niya. Nagtama ang mga tagiliran nila at halos mapaigtad siya sa dulot niyon sa ngayon ay sensitibo na niyang balat. He gritted his teeth when he felt a part of him twitch. Relax, Cade. Relax. “Oo, okay na ako. Mas gusto kong umupo na lang dito katabi ka,” nakangiting sagot ni Carli. Muling nagtama ang mga mata nila. “Sana palagi tayong ganito, Cade,” sabi pa nito sa mas mahinang tinig. Parang may lumamutak sa puso niya sa sinabi nito. Bumagsak ang mga balikat niya at pinakatitigan ito. Kailangan na niyang sabihin dito na babalik na siya sa Maynila. Lumuwag ang pagkakakuyom ng mga kamay niya. Pagkatapos ay iniangat niya ang mga iyon at hinawi ang ilang hibla ng buhok nitong tumabing sa mukha nito. And then he let his hands settle on her cheeks. Pumikit ito nang bahagya na para bang gusto nito ang pakiramdam ng mga kamay niya sa mga pisngi nito. He could relate to it. He loved how her skin felt against his hands. Pero hindi siya maaaring ma-distract. Kailangan niyang sabihin dito ang totoo. “Carli, may gusto akong sabihin sa `yo,” malumanay na umpisa niya. “Ano iyon?” tanong nito na may munting ngiti sa mga labi. Huminga siya nang malalim at tinitigan ito sa mga mata. “Kailangan ko nang bumalik sa Maynila.” Para siyang sinuntok nang makita niyang namatay ang kislap ng tuwa sa mga mata nito at mawala ang ngiti sa mga labi nito. Bumagsak din ang mga balikat nito. Nang yumuko ito, gusto niyang bawiin ang sinabi niya. Ang sabihin ditong hindi na siya aalis para lang mawala ang lungkot nito. Pero alam niyang wala iyong silbi. “Ahm… k-kailan?” tanong ni Carli sa garalgal na tinig. Pumikit siya nang mariin at inilapat ang noo sa ulo nito. “Tatlong araw mula ngayon,” pabulong na wika niya. Mahabang sandali ang lumipas bago niya naramdamang umangat ang mga kamay nito at kumapit sa mga braso niya. His stomach fluttered with her touch. Dumilat siya at nakita niyang namamasa ang mga mata nito habang nakatingala sa kanya. “Hindi ka na babalik,” pabulong na sabi nito. Hindi iyon tanong. Dahil pareho nilang alam na wala talaga siyang balak bumalik. May bumikig sa lalamunan niya at bigla pakiramdam niya nag-init din ang mga mata niya. God, this was so much more difficult that he thought. Ang akala niya ay magiging madali para sa kanyang iwan ito. Ngunit ngayon, parang pinupunit ang dibdib niya sa kaisipang magkakahiwalay sila. Ayaw niyang magbitiw ng pangakong siguradong hindi niya matutupad. Kaya ginawa niya ang bagay na matagal na niyang gustong gawin. Tinawid niya ang pagitan ng mga mukha nila at marahang inilapat ang mga labi sa nakaawang na mga labi nito. He intended it to be a soft good-bye kiss. Subalit nang maramdaman niya ang malambot at mainit na mga labi nito sa mga labi niya, napagtanto niyang hindi niya kayang basta na lang matapos doon ang kung anumang namamagitan sa kanila. His hold on her face became firm and he let himself deepen the kiss a little. Suminghap ito ngunit hindi kumilos upang pigilan siya. In fact, he felt her lean against him more so that her wet chest touched his bare chest. Sabay pa silang napaungol. Bago pa siya mawala sa sarili ay marahan na niyang pinutol ang halik. Huminga siya nang malalim at niyakap ito nang mahigpit. “Carli…” Gumanti ito ng yakap at isinubsob ang mukha sa leeg niya. “Cade, bakit mo ako hinalikan kung hindi ka na babalik?” Muli ay pumikit siya nang mariin. Pagkatapos ay nakapagdesisyon siya. Dumilat siya at tiningnan ito sa mga mata. “Babalik ako,” matatag na sabi niya. Pinahid niya ang mga luhang naglandas sa mga pisngi nito. Ngumiti siya upang kalmahin ito. “Babalikan kita. At habang wala ako, puwede naman tayong magtawagan at mag-text. I’ll give you my number.” Kinagat nito ang ibabang labi. “Cade, imposibleng pahiramin ako ni Nanay ng cell phone.” Saglit na tinitigan niya si Carli bago tumayo. Pagkatapos ay hinatak niya ito patayo. “Then I’ll give you mine. Kunin natin sa bahay.” Kapag kasi lumalabas siya kasama ito ay iniiwan niya sa kuwarto niya ang cell phone niya. Nanlaki ang mga mata nito. “Cade! Ang mahal kaya ng cell phone, `tapos ibibigay mo lang sa akin? Ano ang gagamitin mo?” Lumapit siya sa mga damit nila at nagbihis. “Bibili na lang ako uli pagbalik ko sa Maynila. Wala akong pakialam sa presyo. Ang gusto ko lang ay magkaroon tayo ng komunikasyon,” determinadong sabi niya. Pagkasuot niya ng pantalon niya ay binalingan uli niya si Carli. Nakamaang lang ito sa kanya. “Everything’s going to be all right, Carli. Magbihis ka na.” Kinuha niya ang mga tuyong damit nito at iminuwestra dito. Alanganin pa ring tumango si Carli at lumapit sa kanya. Kinuha nito sa kanya ang mga damit nito at hindi siya nakatiis na hindi ito gawaran ng magaang halik sa mga labi. Ngumiti siya. “We’ll be okay,” pangako niya. Ngumiti na rin ito at tumango. Pagkatapos ay mabilis itong nagtungo sa likuran ng malaking bato kung saan ito palaging nagbibihis kapag naroon sila. Nang makapagbihis na ito at muling lumapit sa kanya ay hinawakan niya ang kamay nito. Nagkatinginan sila at ngumiti sa isa’t isa. Relaxed na ito habang naglalakad sila patungo sa bahay niya. Subalit nang nasa harap na sila ng bahay niya ay napahinto ito at natensiyon kaya nagtatakang nilingon niya ito. Nanlalaki ang mga mata nito habang nakatingin sa bahay. “D-diyan ka nakatira?” tanong nito. “Oo. Bakit?” Lalong namilog ang mga mata nito. “Ikaw ang nag-iisang anak ni Mayor?!” “Oo. Bakit, may problema ba?” Umawang ang mga labi ni Carli at biglang bumakas ang pag-aalinlangan sa mga mata nito. Suddenly, he knew what she was thinking. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay nito. “Ako lang ito, Carli. Kahit sino pa ang mga magulang ko, ako pa rin ang lalaking kilala mo. Okay?” pag-aalo niya rito. Kinagat nito ang ibabang labi ngunit tumango nang marahan. Pinisil niya ang kamay nito at hinila ito papasok. Wala ang mga magulang niya nang araw na iyon at alam niyang ang mga katulong sa bahay ay nasa kusina kaya wala silang nakasalubong na tao hanggang makapasok sila sa silid niya. Iginala ni Carli ang paningin sa paligid. Pagkatapos ay umupo ito sa gilid ng kama niya at tumingin sa kanya. Saglit na napatitig lang siya rito. Somehow, being in his room with her was clouding his mind. Tumikhim siya at mabilis na lumapit sa bedside table kung nasaan ang cell phone niya. Pagkatapos ay hawak iyong umupo siya sa tabi nito at iniabot iyon dito. Itinuro niya rito kung paano iyon gamitin. Mayamaya ay napansin niyang natigilan ito at humigpit ang pagkakahawak sa cell phone niya. “Carli?” pukaw niya rito. Hindi ito nag-angat ng tingin. Ngumiti ito ngunit hindi iyon umabot sa mga mata nito. “Naisip ko lang… kapag tumawag ka at marinig ko ang boses mo, baka lalo kitang ma-miss,” pabulong na sabi nito. Niyakap niya si Carli. “Ako rin. But this is the only thing I can promise you right now, Carli. Kailangan kong bumalik sa Maynila para mag-aral.” “Alam ko,” sagot nitong gumanti ng yakap. Kumalas siya at hinawakan ito sa batok. Nagtama ang mga mata nila. Mayamaya tila iisa ang isip na naglapat ang mga labi nila. He kissed her passionately, letting his feelings go. Kahit na halatang wala itong alam sa paghalik ay unti-unti nitong ginaya ang galaw ng mga labi niya. It only made him deepen the kiss. Hanggang sa kusa nang kumilos ang mga kamay niya, humaplos sa likod nito, sa tagiliran nito, sa kahit saang naabot niya. She moaned and it made his senses tingle. Natagpuan na lamang niyang nakalapat na ang likod nito sa kama at nakakubabaw siya rito. Inilayo niya ang mga labi rito at nagkatitigan sila. Kapwa nila habol ang hininga. Lumunok siya at hinaplos ang pisngi nito. Kailangan na niyang lumayo rito bago pa maputol ang gahiblang kontrol niya. Ngunit nang akmang lalayo siya rito at humigpit ang pagkakakapit nito sa kanya. Nang makita niya ang emosyon sa mga mata nito ay tuluyan nang naputol ang pagpipigil niya. Muli niyang inilapat ang katawan dito at masuyo itong hinalikan sa mga labi. “Carli, do you trust me?” pabulong na tanong niya rito. Lumambot ang ekspresyon sa mga mata nito at bahagyang ngumiti. “Ikaw ang unang taong pinagkatiwalaan ko, Cade.” His heart melted. Hinalikan niya itong muli. Sandali pa ay nawala na ang isip niya sa lahat ng bagay. They stayed in his room for a very long time, touching, kissing, and loving her carefully as if she was the most precious and fragile thing in the world. Nahiling niyang sana ay hindi niya kailangang umalis, na hindi niya ito kailangang iwan. Because for the first time in his life, he realized he was in love.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD