Tumunog ang cell phone niya at nakahinga siya nang maluwag na may iba siyang maaaring gawin bukod sa paghihintay na pumasok sa library si Cade. Pero napangiwi siya nang mabasa ang pangalan ni Rob. Nakalimutan niya itong tawagan. Baka galit na naman ito. As always. Palagi tuloy itong binubuska nina Stephanie. Sayang daw ang kaguwapuhan nito dahil palaging nakakunot ang noo. Rob always grunted whenever her bandmates teased him like that. Huminga muna siya nang malalim bago niya iyon sinagot. “Are you okay?” bungad agad nito. Saglit siyang natigilan sa himig ng concern sa tinig ni Rob. Na-relax tuloy siya. “I’m fine, Rob. Kaso may bagyo pala rito at tumirik ang kotse ko at nabasa ako ng ulan at—” “You are not fine, Carli. You normally don’t blabber like that,” putol nito sa sasabihin pa