BINASA ni Carli ang annulment papers pero hindi iyon masyadong rumehistro sa isip niya. Wala na siyang pakialam kung anuman ang nakalagay roon dahil sa huli ay iisa lang ang kahahantungan niyon—mawawalan ng bisa ang kasal nila ni Cade noong labingwalong taong gulang pa lamang siya sa tulong ng isang huwes na kakilala nito na nagawan ng paraang maikasal sila kahit underage pa lang siya. Hindi na niya itinanong kung paano nagawa iyon ni Cade. Noon kasi ay walang ibang mahalaga sa kanya kundi ang makasama si Cade. At paano siya makakapag-concentrate kung sa buong sandaling nagbabasa siya ay nararamdaman niya ang titig ni Cade sa kanya? Binilisan tuloy niya ang pagbabasa at sinabing wala siyang problema sa mga nakasulat. Pagkatapos ay agad siyang tumayo. “Puwede na ba ako magpahinga?” tanong