Lumipas ang mga araw na pakiramdam ni Cade noon, lahat ay umaayon sa kanya. Araw-araw silang masaya ni Carli. Pakiramdam niya ay sila lang ang tao sa mundo. At hindi niya pinagsisisihan ang mga araw na iyon. Pero ang nangyari nang mga sumunod na buwan ang pinagsisihan niya dahil naging pabaya siya at nabaling sa iba ang atensiyon. Nakaapekto iyon kay Carli dahil naging dependent ito sa kanya. Alam niya iyon pero nakalimutan niyang isaalang-alang iyon. Kaya nito nagawa ang isang bagay na hirap siyang patawarin ito. Sa huli, wala sa kanila ang tumupad sa pangako nila. He left her… at least emotionally. And she left him literally. Napabuntong-hininga si Cade at lumapit kay Carli na nakatayo pa rin sa gilid ng bangin—sa eksaktong lugar kung saan sila tumatalon noon. Nakatingin ito sa ibaba