MAS MALAKAS ang hangin sa bangin na nasa talon kaysa kaninang nasa biyahe sina Cade at Carli. Nakakabingi rin ang ingay ng pagbagsak ng tubig doon dahil marahil sa malakas na pag-ulan buong magdamag. Ngunit tila hindi iyon alintana ni Carli na walang pagdadalawang-isip na umibis ng sasakyan bago pa man siya makababa. Napapailing na bumaba na lang tuloy siya ng sasakyan at sinundan ito ng tingin. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi niya nakikita ang ekspresyon nito habang nakatitig ito sa talon. Namulsa siya at nanatili lamang na nakatayo sa tabi ng sasakyan niya. Hindi niya alam kung paano nito nagagawa pero hindi pa niya kayang tumingin sa ibaba ng bangin na iyon. Dahil sigurado siyang kapag ginawa niya iyon ay maalala niya ang mga panahong ginugol nila sa lugar na iyon. “Be nicer to