CHAPTER 14

1372 Words

Alam niya kung nasaan ang garahe. Kung hindi iyon inilipat ay naroon pa rin iyon sa dating puwesto niyon. Nakumpirma niya iyon nang sa pagliko niya ay nakita niya ang nakahilerang mga sasakyan. Ang pinakapangit doon ay ang Toyota Corolla niya na puno ng putik. Nakabukas ang hood niyon. Lumapit pa siya sa sasakyan niya at napahinto nang makita niya si Cade na nakayuko sa makina ng kotse niya at tila iniinspeksiyon iyon. Pero hindi ang pangangalikot nito sa sasakyan ang dahilan kung bakit siya natigilan. It was because of the way Cade looked like at that moment. Hindi tulad kahapon na pormal na pormal ang hitsura nito, ang suot nito ngayon ay puting T-shirt at kupas na pantalon. Magulo ang buhok nito na inililipad ng hangin kaya bahagyang alon-alon iyon. Katulad din noon. And he had stubbl

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD