CHAPTER 13

1139 Words

NAGISING si Carli sa tunog ng pagbukas ng pinto. Napaigtad siya at napadilat. Nakatagilid siya sa kama at ang una niyang nakita ay ang katulong na naghatid sa kanya sa silid na iyon kagabi. Hawak nito ang mga damit na hinubad niya kahapon. Natigilan ito nang makitang gising na siya. “Magandang umaga ho, Ma’am. Ang aga ho ninyong magising. Dinala ko na po itong mga damit ninyo,” magalang na sabi nito. Bumangon siya at tumango. “Salamat,” usal niya kahit disoriented pa siya. Ni hindi niya namalayang nakatulog siya kagabi. And the memories that came to her like a dream were still vivid in her mind. Lalo na ang mukha ng kanyang ina. Pagkatapos ng gabing iyon ay hindi na niya ito nakita pa. Nang isang beses na bumalik siya sa San Jose pagkalipas ng isang taon pagkatapos ng gabing iyon ay wal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD