Biglang naalala ni Carli si Cade. Ang sabi ng binata ay magkikita sila ngayong gabi. Ano ang iisipin nito kapag dumating itong wala siya sa tagpuan nila? Paano kung pumasok ito sa bar at makita siyang ganoon? Mandidiri na ito sa kanya dahil mapapatunayan nito kung gaano kaiba ang mga katayuan nila sa buhay. Magkakatotoo ang sinabi ng kanyang ina. Iiwan siya ni Cade. Isipin pa lang iyon ay para nang nilalamutak ang puso niya. Ayaw niyang mangyari iyon kaya muli siyang nakiusap sa kanyang ina. “Magtatrabaho ako, `Nay, pero hindi rito. Sige na ho, `Nay,” wika niya. Walang awa lang siyang tiningnan nito. “Tumigil ka. Hindi mo matatakasan ang buhay na ito. Magiging gaya kita.” Hinila siya nito patayo at papunta sa gilid ng stage. Nanginig ang mga tuhod niya sa tensiyon at panghihina. Paano