CHAPTER 11

1085 Words

Pagkatapos ibigay ni Carli ang sarili kay Cade, naramdaman niyang may nabago sa kanya. Kahit na may kirot sa sensitibong parte ng katawan niya ay ang gaan ng pakiramdam niya. Lalo na at lalong naging masuyo si Cade sa kanya nang magkahawak-kamay silang naglakad pabalik sa bahay niya. Tuwing nagtatama ang mga mata nila ay para silang ewan na napapangiti na para bang may alam silang magandang sekretong sila lang ang nakakaalam. Hindi na tuloy siya nabahala kahit hapon na siya nakarating sa puno ng acacia na tagpuan nila tuwing umaga. Siguradong hindi mapapansin ng kanyang ina kung nasa bahay siya o wala. Huminto sila pero hindi pinakawalan ni Cade ang kamay niya. Iniharap siya nito at tiningala niya ito. Masuyo itong ngumiti at hinaplos ang pisngi niya. Saglit siyang napapikit sa masarap

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD