CHAPTER 19

2292 Words

Isang buwan na mula nang ikasal sina Carli at Cade. Isang linggo na mula nang magsimula ang klase ni Cade sa Law school ng university nito. Pakiramdam pa rin niya ay siya ang pinakamasuwerteng babae sa mundo na nakilala niya si Cade. Bawat araw ay masaya siyang nakakasama ito. Lumulobo ang puso niya tuwing gabing mukha nito ang huling nakikita niya bago siya matulog at una niyang nakikita pagkagising niya. At ngayong nag-aaral na si Cade, kahit naiinip siya na siya lang mag-isa sa apartment nito maghapon, may ibang ligayang dulot sa kanya ang pagsalubong niya rito tuwing uuwi ito. Natuto siyang magluto para may kakainin na sila pagdating nito at ito naman ay laging may dalang pasalubong para sa kanya. Hinihintay pa rin niya ang pagdating ni Cade nang araw na iyon at kasalukuyan siyang n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD