HINDI natuloy ang plano ni Cade na makabalik pagkapananghali. How could he do that when everyone seemed to be having fun? Kasama na si Carli. Itinuon lang niya ang atensiyon sandali sa pagtulong sa mga lalaki na harangan ang tulay upang hindi na matamaan ng troso at nang lumingon uli siya rito ay nasa gitna na ng mga taga-San Jose si Carli na para bang matagal na itong kabilang doon. Nang lumingon uli siya ay nagluluto na si Carli, tumatawa sa biro ng mga tao sa paligid nito, kumportable sa presensiya ng mga ordinaryong tao. Malayo sa impresyon niya sa mga celebrity. But then, after seeing her again, he realized she was different from other celebrities. Walang ere si Carli at madalas, kapag pinagmamasdan niya ito ay napapansin niyang hindi nito alintana kung ano ang posisyon nito sa buha