NAPUTOL ang pagbabalik-tanaw ni Carli nang marinig niya ang boses ni Lea mula sa labas ng pinto ng silid niya. Mabilis siyang tumayo at lumapit sa pinto upang pagbuksan ito. “Nakahanda na ho ang hapunan sa ibaba, Ma’am,” nakangiting wika nito sa kanya. Napakurap siya at napalingon sa bintana ng silid na inookupa niya. Madilim na nga at umuulan na naman. Ni hindi niya namalayan ang paglipas ng oras. “Ma’am Carli?” pukaw ni Lea sa kanya. Bumaling siya rito at ngumiti. “Salamat sa pagtawag sa akin,” sabi niya rito, saka siya lumabas ng silid. “Nasa ibaba na rin ba si Cade?” hindi na nakatiis na tanong niya nang naglalakad na sila sa hallway. “Nasa library pa rin po siya. Nag-uusap sila ni Attorney Fernandez. Nagdadalawang-isip ho akong tawagin sila,” alanganing sagot nito. “O sige, ak