"Anong ginagawa mo diyan?" tanong ni Trinity kay Carson na nagulat pa sa kanya. "M-may ginala lang akong kaibigan," sagot nito na mautal-utal pa. Halata ni Trinity na may problema ito. Sa itsura pa lang nito ay makikita na sa kanya ang pagiging malungkot niya. "Gusto mo bang sumama sa amin?" tanong naman ni Doti. "Saan ba ang inyon tungo?" "Maglilibing kami kay Jem," sagot ni Trinity. "Hindi na. Gusto ko ring magpahinga. Pagod ako," sagot nito at saka siya muling yumuko. Bumaba sa sasakyan si Trinity at saka siya tinabihan sa waiting shed. "Sabihin mo nga...may problema ba, Carson?" tanong niya. Tinapunan siya nito nang tingin at doon niya nakitang lumuluha na pala ito. Doon na tuluyang nag-alala si Trinity. "Nalulungkot ako ngayong araw, Trinity," sabi nito kaya bigla niyang niyak