Nag-door bell na si Trinity sa bahay nila Doti. Wala pang ilang segundo ay bumukas na agad ang gate nila. Sinalubong siya nang tulala na mukha nito. "Oh? Bakit tila wala ka sa mood?" tanong agad niya kaya biglang ngumiti ng pilit si Doti. "Ah, e, si mama kasi...may kinuwento about kay lola noon. Ang creepy kaya ganito ang itsura ko," sagot niya kaya natawa na lang si Trinity. "Anyway, hindi na ako magdadala ng sasakyan. Sa iyo na lang ako sasabay. tinatamad kasi akong mag-drive," sabi pa niya na agad namang tinanguan ni Doti. "No, problem. Actually, hinihintay din kita e. Gusto ko ay sabay na tayong pumunta doon." Habang papunta na sila sa bahay nila Jem ay biglang napatanong si Doti sa kanya. "Naniniwala ka ba sa mga devil?" Napangisi siya. "Bakit mo naman natanong?" "Kasi sabi ng