Chapter 49 - Nasundan ni Trinity si Tifanny

1310 Words

"Okay na ba? Wala ka na bang nakalimutan? Natandaan mo ba ang gagawin mo?" tanong ni Trinity kay Doti habang naglalakad na ito papunta sa bahay nila Tiffany. Ngayong hapon na nila naisipang pag-trip-an si Tiffany. Sinusubukan ni Trinity kung hanggang saan aabot ang pagbawi ni Doti sa kanya. Alam na alam kasi ni Trinity na takot na takot sa daga si Doti, pero nagulat siya nang kayanin nitong hawakan ang laman ng box ng sapatos na pinagkulungan niya sa dagang pinahuli ni Trinity sa mama niya. Santong-sakto at magaling pa naman manghuli ang mama niya ng mga dagang bahay. Ramdam niyang pilit lang na nilalakasan ni Doti ang loob para makabawi sa kanya. Ganoon pa man ay natutuwa siya dahil desidido talaga itong bumawi sa kanya. "Yes, malinaw na malinaw na. Ibaba ko na itong phone at narito na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD