Chapter 65 - Ang pagpapakita ng itim na nilalang kay Tiffany

1510 Words

Papungay-pungay ang mata ni Brody nang magising siya sa liwanag na tumama sa mata niya na nanggagaling sa ilaw ng tapat ng pintuan ng bahay nila. Ang amoy ng malansang dugo ang lalong nagpagising sa kanya. Tuluyan na siyang bumangon nang mapansin niyang puro dugo ang kamay niya. Sa takot niya ay agad niyang sinuri ang sarili. Akala kasi niya ay may kung anong sugat sa katawan niya kaya't may dugo ang mga kamay at braso niya. Pero nang makita niyang may mga dugo na nagkalat sa sahig niya at iyon ay patungo sa direksyon ng banyo nila ay doon na niya nakumpirma na hindi iyon galing sa kanya. Tuluyan na siyang tumayo. "M-megan?" Dali-dali siyang naglakad papunta sa direksyon ng banyo nila. Hindi pa man din siya nakakalapit doon ay tanaw na niya sa malayo ang maraming dugo sa tapat ng pinto n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD