Chapter 64 - Bloody Night

1203 Words

"Nasaan ka?" tanong ni Margo nang sagutin ni Megan ang tawag niya. Katabi niya sa kama si Brody na ngayon ay natutulog. Doon kasi sila tumuloy nang umuwi sila kanina galing sa hospital. Napagpasiyahan niya mag-stay doon dahil natatakot nang mag-isa si Brody. "Nandito ako sa bahay ni Brody," sagot niya. Halata sa tono niya ang saya na nadarama niya.  "Pumunta ka rito sa bahay nila Jem. May kailangan kang malaman," sabi ni Margo na seryosong-seryoso ang boses. "Ano iyon? Huwag mo naman sirain ang mood kong maganda. Kinakabahan tuloy ako sa iyo," sagot ni Megan. Hindi kasi ganoon magsalita si Margo sa kanya. Madalas itong masayahin at pala-joke kapag magkakasama sila, lalo na kung kausap niya ito. "Nagpakita kasi sa aming dalawa ni Trinity si Jem. Binalalaan niya kami na isang buhay ang m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD