Mga alulong ng aso ang gumising kay Trinity nang gabing iyon. Laking gulat niya nang magising siya na nasa gitna na siya ng isang kakaibang kagubatan. Napayakap siya sa sarili niya nang maramdaman niyang lumakas bigla ang hangin sa paligid niya. Tahimik doon at halos kaluskos lang ng mga dahon na hinahangin ang naririnig niya. Napakaliwanag ng liwanag na ibinibigay ng buwan kaya malinaw niyang nakikita ang buong paligid. "Hello?" sigaw niya habang patuloy na iniikot ang tingin sa buong paligid. Nang wala siyang makitang mga tao roon ay nag-umpisa na siyang maglakad para hanapin ang daan palabas sa gubat na iyon. Hindi pa man siya nakakalayo ay isang bulto ng lalaki ang kanyang napansin sa tabi ng isang malaking bato kaya napahinto siya sa paglalakad. "Sino iyan?" tanong niya pero hind