Chapter 3 - Moon Trap Book

1342 Words
Chapter 3 : Moon Trap book Palihim na nakatingin sa malayo si Trinity habang inililibing si Cedrick. Nagtatago sila ni Doti sa likod ng malaking puno. Masakit sa loob niya na hindi manlang niya ito nasilip kahit sa huling hantungan. Pinagkait ito ng mga matatalik niyang kaibigan. Ilang beses siyang pumunta sa burol nito, ngunit palaging nakaabang sina Tiffany sa labas ng bahay nila Cedrick para harangan siya. Hindi siya pinapapasok ng mga ito. Tuwing pupunta siya roon ay sampal, tulak at kung anu-ano pang masasakit ang natatanggap niya sa mga ito. Kung ano ang dahilan nila ay hindi rin niya alam. "Tara na," aya ni Doti nang makita nilang paalis na ang mga tao. Tumutulo ang luha ni Trinity habang papaalis sila roon. Gusto man niyang magtulos ng kandila ay hindi naman pwede, dahil nadinig ni Doti kahapon na mag-iinuman doon sina Tiffany pagkatapos ilibing ni Cedrick.  "Iuuwi na ba kita o gusto mo pang sumama sa akin mamalengke?" tanong ni Doti habang nasa loob na sila ng sasakyan. "Sige. Sasama na lang muna ako sa 'yo. Malulungkot lang ako sa bahay. Tiyak na magkukulong lang ako nito sa kwarto ko 'pag umuwi ako." Napatingin si Trinity sa salamin. Ang lalim na ng eyebags niya. Ilang araw na kasi itong ‘di makatulog ng maayos. Palagi siyang dinadalaw ni Cedrick sa panaginip niya. Iyak nang iyak at hingi nang hingi ng tawad sa kanya. Tuwing gigising siya ay hindi na siya makatulog. Iyak na lang siya nang iyak hanggang sa sumapit ang umaga. "Sige, sumama ka na lang muna sa ‘kin. Ililibre kita ng milktea para maging fresh ka naman kahit pa paano." Iniliko ni Doti ang sasakyan sa isang malapit na milktea shop. Pagka-park niya sa sasakyan niya ay tumuloy na sila sa loob ng milktea shop. "Teka, bakit ba ikaw ang namimili ngayon sainyo? Nasaan si Aling Pasing?" tanong ni Trinity habang nakapila na sila sa loob. Marami rin kasing tao dahil ang ilang nakipag-libing kay Cedrick ay tumuloy din roon.  "May patay sila kaya ilang araw itong mawawala. Kaya nga ako ang palaging pinapabili ng mga kailangan namin ni Mommy sa palengke eh. Nakakairita pala 'pag mag-isang ka lang anak. Ikaw lang ang palaging nauutusan 'pag kayong dalawa lang ang nasa bahay. Nagkataon pa na nasa ibang bansa si Daddy kaya, no choice ako. Walang ibang aasahan si Mommy kung ‘di ako lamang." "Sabagay, isang taon pa lang ang nakakalipas simula ng maaksidente siya kaya hindi pa ito agad-agad makakalakad. Pero, sa lalong madiling panahon ay sana makalakad na ang Mommy mo. Nakakangawit din kaya ang palaging nakaupo sa wheelchair." Napatingin si Trinity sa babaeng nakita niyang mag-isang nakaupo sa isang gilid. Kahit nakatalikod ‘to ay kilalang-kilala niya ito. Lalapitan sana niya ‘to pero bigla na itong tumayo. Nagtama ang mata nila nang makita siya nito. Lalagpasan sana siya nito kaya bigla niyang hawakan ang mga braso nito para mapahinto siya. "Please, bitawan mo ako, Trinity," sabi nito na pilit bumabaklas sa pagkakahawak sa braso niya. "Jam, ano bang dahilan at naging ganito kayo sa ‘kin?" tanong niya rito. Mabait si Jam at isa ‘to sa sobrang close niya sa mga kaibigan niya. Kakambal siya ni Jem na kaibigan din nila. Pero mas mabait si Jam kesa kay Jem, mataray kasi ito at palaban kahit kanino. "Sorry, Trinity. Ayoko man na iniiwasan ka ay wala naman akong magagawa. Magagalit ang kakambal ko. Kilala mo naman 'yon. Kahit ako, kaya niyang saktan. Saka, ayoko ring ma-bully nina Tiffany. Pero, 'to ang tatandaan mo, hindi kita sinisisi sa nangyari kay Cedrick," mahaba nitong sabi kaya naluha na naman si Trinity. Nagpapasalamat siya dahil may isa pa rin sa kanila na hindi galit sa kanya. "Ang dahilan? 'Yon ang tanong ko. Bakit sila nagalit sa akin? Bakit ako ang sinisisi nila sa pagkamatay ni Cedrick?" ulit ni Trinity.  Saglit siyang napatitig kay Trinity pero bigla ding lumipat ang tingin kay Doti. "S-sorry. Sa iba mo na lang itanong," tugon niya at saka siyang tuluyang bumaklas sa hawak nito. Agad-agad itong lumabas sa milktea shop. "Hayaan mo na siya. Huwag kang mag-alala. Malalaman din natin ang dahilan nila," sabi ni Doti. Tumuloy na sila sa counter para um-order ng milktea. "Please, Doti, help me. Gusto kong malaman ang dahilan nila. Hindi matatahimik ang loob ko, hangga't 'di ko nalalaman ang dahilan nila." Tumango lang si Doti. "Akong bahala. Hahanap tayo ng ibang tao para tuklasin 'yan. Sa ngayon ay chill ka na lang muna."  "Ano pong sainyo?" tanong ng babae sa counter. "Isang matcha at isang strawberry flavor," tugon ni Doti. Nagbayad na siya at saka sila inabutan ng number ng babaeng nasa cashier. Naupo muna sila saglit habang hinihintay ang order nila. Tulala si Trinity. Nakatingin lang ito sa labas habang pinagmamasdan ang mga dumadaan na sasakyan. Iniisip pa rin niya ang nangyari kanina. Kahit pa paano ay gumaan ang loob niya dahil alam niyang may isa sa kanila na hindi siya sinisisi sa nangyari kay Cedrick, "Kailangan mong libangin ang sarili mo. Hindi ka dapat nakatulala palagi. Baka masira ang ulo mo niyan," sabi ni Doti. "Anyway, may ibibigay nga pala ako sa 'yo." Tumayo siya at lumabas sa milktea shop. Pumunta ito sa sasakyan niya. Pagbalik nito ay nakita na lang ni Trinity na may hawak na siyang libro. "Ano 'yan?" tanong niya. Inabot ni Doti ang libro sa kanya. "Sikat na sikat ngayon 'yan," sabi ni Doti at saka ulit naupo. "Moon trap?" basa ni Trinity sa libro. "Yes, viral sa social media 'yan. Halos lahat ata ng tao rito ay meron na niyan. Saka, totoo raw nangyari ang kuwento sa librong 'yan. Napakabongga dahil tatlong buwan nang best seller 'yan," pagmamalaki ni Doti. Tinawag na ang number nila kaya tumayo na si Doti para kunin ang order nila. Habang binabasa ni Trinity ang prologue ng librong hawak niya ay biglang may lumapit sa kanya. Tumingala siya para tignan ang babaeng nasa harap niya. Nanlaki ang mata niya dahil may hawig ito sa ina niyang si Tessa. "Ikaw na ba si Trinity?" tanong nito sa kanya. "O-opo," mautal-utal niyang sagot. Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa. Hindi siya makapaniwalang makikita pa niya itong muli. "Nakikilala mo ba ako?" tanong pa nito sa kanya kaya tumango na lang siya. "Oo naman po, Tita Indira," sagot niya. Halos ilang taon na kasi niya itong hindi nakikita. Ang huling natatandaan niyang kita niya rito ay isang paslit na bata pa lamang siya. Palagi kasi silang pumupunta no’n sa bahay nila Indira para galain si Tatiana na anak nito. Tuwang-tuwa noon si Trinity dahil kamukhang-kamukha niya ang pinsan niyang si Tatiana. Para silang pinagbiyak na buko. Gustong-gusto rin kasi ni Tessa na ginagala si Tatiana. Natigil lang ang paggala nila sa bahay nito nang biglang magalit si Indira. Kapag naroon kasi sina Tessa at Trinity ay halos sa kanila lang nakatuon ang oras ni Tatiana. Nakakaramdam na ng selos si Indira kaya pinagbawalan na silang gumala roon. Tuwing pupunta sila roon ay hindi sila pinagbubuksan ng gate. "Maari ba tayong mag-usap?" tanong nito sa kanya. "Oo naman po," mabilis niyang sagot. Pagbalik ni Doti sa table nila ay nagpaalam na muna si Trinity sa kanya. Kinuha niya muna ang strawberry milktea kay Doti bago sila tuluyang lumabas doon. Pumunta sila sa park. Naupo sila sa isang mahabang bench doon. Simula sa pag-alis nila sa milktea shop hanggang sa makarating sila sa park ay hindi mawala-wala ang titig ni Indira sa kanya, kaya nagtaka na si Trinity. "M-may dumi po ba ang mukha ko?" tanong niya kaya natigil na ang pagtitig ni Indira sa kanya. "Pasensya ka na. Na-miss lang talaga kita," sagot nito at saka tumawa ng pilit. "Ano po bang pag-uusapan natin?" tanong niya. Biglang nag-iba ang timpla ng mukha nito ng mag-tanong siya. Umiwas ng tingin si Indira sa kanya. Mayamaya ay nagulat nalang si Trinity nang biglang umiyak si Indira sa tabi niya. “B-bakit po kayo umiiyak? Ano pong problema?” kinabahan na si Trinity. Pakiramdam niya ay may hindi magandang nangyari sa kanila ni Tatiana. "Nawawala kasi si Tatiana," tugon nito na kinagulat niya. Napatayo siya at agad na hinarap ang Ale niya. "Ano po bang nangyari? Kelan pa po siya nawawala?" tanong pa niya. Hinagod niya ang likod ni Indira dahil iyak na ito nang iyak. "Mag-iisang taon na, Trinity," sabi pa niya kaya lalong nadismaya ang mukha ni Trinity. Napabuntong hininga si Trinity. Hindi pa ako nakaka-move on kay Cedrick, may bago na naman suliranin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD