Chapter 11 - Ang pagpapakita ni Patrick kay Tiffany

1843 Words

"Kumain ka na, Tiffany," sabi ng mama niya nang pasukin niya ito sa kuwarto niya. "Wala akong gana, mama," matipid niyang sagot at saka nagtalukbong ng kumot. "Nariyan sa baba ang mga kaibigan mo. Hinahanap ka," sabi pa nito kaya napatayo siya bigla. "Sige na po. Mag-aayos lang ako at susunod na rin ako sa ibaba," sabi niya at saka ito tumuloy sa banyo niya. Nagiging dalawa na ang paningin niya nang tignan niya ang itsura niya sa harap ng salamin. Halos kagabi pa kasi ito walang kain kaya siguro naliliyo na siya. Binuksan niya ang gripo sa lababo at saka siya naghilamos. Pagkatapos ay kinuha niya ang favorite niyang facial cleanser at saka niya ito pinabula sa mukha niya.Yumuko siyang muli at saka binanlawan ang mukha niya. Pagharap niya sa salamin ay nanlaki ang mata niya nang makita

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD