Papunta sa palengke si Trinity nang makita niyang naglalakad sina Clarissa at Megan. Nagtaka siya dahil mukhang nagbubulungan ito habang tinitignan ang buong paligid. Para bang may kakaiba sa kinikilos nila. Nagtago tuloy si Trinity,dahil baka makita siya ng mga ito. Iniiwasan na niya ang mga ito dahil ayaw na niya ng gulo. Ang masama ay nakita pa niya na may sinilid na kutsilyo si Clarissa sa bag niya. Inabot ito sa kanya ni Megan. Para itong mga walang takot na nag-abutan sa daan ng ganoong bagay na alam nilang bawal na bawal. Ang lalakas ng loob. Hindi na dapat niya susundan ang mga ito dahil ayaw niyang madawit pa sa mukhang gulo na gagawin nila. Pero nang makita niya na lumabas sa isang kotse si Jenny ay doon na siya kinutuban ng masama. Sa kanya kasi sila nakatitig na para bang