When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Kinailangan naming magpalit ng damit at magpanggap na ibang tao pagkapasok namin sa Gaia. Paano ba naman kasi, nakabalandra sa bawat pahayagan at mga pampublikong lugar ang mga pagmumukha namin ni Divan. Nakapaskil sa ilang mga babala ang aming mga pangalan. Binasa ko nga yung isa. "Babala para sa mga mamamayan ng Gaia: Pinag-iingat ng Imperyo ang lahat mula sa dalawang binata na nagngangalang Divan Pyrei at Yohan Caleb. Sila ang dumukot sa Prinsesa ng Arkhanta. Ang sinumang makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa kinaroroonan nila ay gagantimpalaan ni Emperador Xyron ng isang sakong bigas at libreng sine tuwing Huwebes sa Palasyo ng Azoedia." Nakanganga kaming tatlo sa gulat sa nabasa namin. Aba't ang bilis ng balita! Mga kriminal na pala kami ngayon! Hanep! Sarap bangasan sa mukha ni