When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
xxxxx Mukhang matinding labanan ang nagaganap sa ilalim namin. Ito ang palapag kung nasaan sina Yohan at kanina nga ay sinugod na sila ni Isis. Matagal rin ang naging pag-aabang namin sa mananalo at si Vivra, gamit ang kanyang kakayahan, "Natalo na nila Yohan si Isis," saad ni Vivra kay Xyron. Para namang nag-init ang ulo ni Xyron. "Si Yohan pa rin ba ang tumapos kay Isis?" "Si Divan po, Mahal na Emperador," sagot ni Vivra. "Nang siya ay mabuhay muli ay nagtataglay na siya ng isang pambihirang kapangyarihan. Kaya madali niyang natalo at napaslang si Isis. Ngunit tumulong din sa kanya sina Yohan at ang prinsesa ng Arkhanta..." Natahimik ang lahat. Nakaupo kami palibot sa isang malapad na mesa. Nakatunghay lang si Vivra kay Xyron, na tila nag-iisip naman nang malalim. "Isa na siyang