Kahit kailan, hindi ko pa naranasan na mawalan ng isang napakahalagang bagay sa buhay ko. Kaya sa totoo lang hindi ko pa nararanasang mawalan ng mahal sa buhay. Aminado akong nangungulila din ako sa aking ina. Maaga daw kasi siyang namatay. Yun ang sabi ng ama ko. At dahil hindi naman makwento ang aking ama, maraming beses ko siyang kinulit tungkol sa aking ina. Maraming beses kong inalam ang pagkatao niya. Syempre, sino ba namang anak ang hindi magiging interesado sa ina nila di ba? Kaso wala rin akong nakuha sa kakatanong sa ama ko kaya ako na mismo ang sumuko. Tinanggap ko sa mura kong edad na may mga bagay na hindi ko na malalaman, tulad na lang ng pagkatao ng ina ko. Doon din ako naging medyo malapit kay Prinsesa Lenora noon. Walong taong gulang siya nang pumanaw ang kanyang Inang