"Yohan! Buhay ka! Buhay ka!" Yun ang mga salitang lumabas sa bibig ng ama ko pagkakita niya sa'kin. Sinalubong niya ako agad pagkababa ko ng sasakyang panghimpapawid na pagmamay-ari daw ng aming pamilya. Kasalukuyang nasa isa na kami sa mga maunlad na bayan ng Arkhanta. Ilang oras din ang binyahe namin pauwi ng Arkhanta at dahil na rin sa pagod ay nakatulog kami sa biyahe kanina. Muntik ko nang batukan ang aking ama sa sinabi niya. "Parang yan din ang sinabi mo sa'kin dati ah!" Ngumiti siya. "Natutuwa lang akong makita kang ligtas, pati na ang mga kaibigan mo." Nagsibabaan na rin ang mga kasama ko mula sa sasakyang pam-himpapawid. Nagyakap kami ng aking ama. "Alam mo ama, nakakagulat ka. May sasakyan pala tayong ganyan? Di ko alam yan ah! At may mga kawal pa tayo! At nasaan tayo? Wag m