Chapter 3. Bulaklak

1004 Words
    Natulala na lang ako sa babaeng nasa harapan ko. Nakakasilaw kasi ang ganda niya.     Totoo! Ang ganda-ganda niya! Parang gusto ko na siyang asawahin!     Mahaba ang buhok, hugis puso ang mukha, at mistulang bumaba mula sa langit ang dalagang ito! Napapaisip tuloy ako kung buhay pa baa ko o pumanaw na at sinusundo na ako ng isang anghel!     Ang matindi pa, hubad siyang nakatayo na tumatawa sa harapan ko! HUBAD SIYA! Namula ako agad kasi ang ganda ng hubog ng katawan niya! Potek pamatay talaga ang ganda niya!     "Ikaw," sambit niya at natauhan ako bigla. "Kailangan ko ang puso mo..." Lumapit siya sa akin at lumayo naman ako sa kanya. Naalala ko kasing kanina lang ay isa siyang halaman tapos bigla na lang siyang naging tao! Sa makatuwid ay isa siyang halimaw! Isang maalindog na halimaw!     "Lumayo ka! Halimaw ka!" sigaw ko rito. Kunyare hindi ako natatakot. Ngumiti lang lalo yung babae o halaman o halimaw o kung ano man siya. Yung ngiti niya, nakakatakot rin. Sa ngiti niya nagmukhang malambing yung ngiti ni Prinsesa Lenora ‘pag gusto niya akong ipahuli sa mga kawal niya.     "Sabihin mo nga, mukha ba akong halimaw?" mahinang tanong niya. Nang-aakit talaga ang boses niya!     "Oo! H-Halimaw ka!" Pinilit kong magtunog matapang kahit na nangangatog na ang mga tuhod ko sa nerbiyos.     "May halimaw bang..." Hinaplos niya ang katawan niya sa harap ko at napalunok ako. "Ganito kaganda?"     Wala na, parang gusto ko nang magbigti. Tuluyan na akong inakit ng babaeng 'to.     Lumapit na siya nang husto sa'kin. Sinamantala niya ang pagkatulala ko at bigla niya akong hinalikan. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat sa ginawa niya!     Ipagpatawad mo, Prinsesa Lenora, kung may nakahalik na naman sa aking mga labi. Sadyang maharot ang nilalang na ito at ako ay lalaki lamang...     Para namang may kakaiba akong naramdaman sa labi ko.     Teka... Namamanhid ako!     "Anong ginawa mo sa'kin?" nagawa ko pang maitanong iyon bago ako matumba at tuluyan nang hindi makakilos.     "Ahahaha!" Tumawa na naman nang malakas ang babae at nangilabot ako. "Isa kang lalaki at lahat kayo ay naaapektuhan ng alindog ko!"     Naloko na. Inakit niya nga ako!     "Ang halik ko ay nakakalason, alam mo ba yun? Mamamanhid ang katawan mo sa oras na mahalikan kita!" Gusto kong sumigaw kaso wala na, hindi ko na magawang magsalita. "Pero 'wag kang mag-alala. May majika ang halik ko. Kapag kinaya mo ang kamandag ko, mabubuhay ka..."     Narinig ko pa siyang tumawa bago ako tuluyang nawalan ng ulirat. Ang tanging naisip ko na lang bago ako nawalan ng malay ay ang pwedeng sabihin ng pari sa libing ko kapag nalaman ng ama ko ang kamatayan ko.     "Mga mamamayan ng Arkhanta, ipagdasal natin ang kaluluwa ng pinakamayaman, pinakagwapo, pinakamalakas, at pinakamatapang na lalaki sa buong Arkhanta. Siya ay naglakbay sa lupain ng Inggria at namatay sa sarap ng halik ng babaeng hubad na dating halaman. Nakakalito ang kamatayan niya kaya ipagdasal na lang natin ang kapayapaan niya." ***     Nagulat ako dahil nagising ako. Ang alam ko kasi ay nalason ako sa halik ng babaeng yun. Nakahiga pala ako sa malamig na sahig. Napabalikwas naman agad ako ng bangon at napansin kong wala na akong suot na damit pang-itaas. Tapos nagpalingon-lingon ako sa paligid at nakita ko yung babae na nakaupo sa trono niya na yari sa bato. Suot na niya yung damit ko. Sa paanan niya ay may apoy at halatang nagpapainit siya. Naramdaman ko rin kasi ang lamig sa lugar na ito lalo na't wala na pala akong damit. Umiihip mkasi ang malamig na hangin galing sa labas na amoy nasusunog na mga bagay.     Nagulat naman ako sa ginawa niyang panggatong sa apoy niya. Ginawa niyang pangsiga yung mga halimaw na mukhang tuod na kahoy! Gumagalaw pa nga sila habang nasusunog, kaya medyo naawa naman ako sa kanila kahit kanina lang ay mistulang nais nila akong patayin.     Pinagmasdan ko yung babae at parang may malalim siyang iniisip. Agad niya akong napansin. Dali-dali siyang ngumiti.     Lapit ka.     Parang narinig ko ang boses niya sa utak ko at bigla akong hinila ng hindi nakikitang pwersa papunta sa harapan niya. Sa lakas ng pwersa ay napasubsob ako sa harap ng apoy. Akala ko nga ay sa mismong apoy ako babagsak.     "Gising ka na. Mapalad ka at nabuhay ka pa."     Pinilit kong tumayo. "Sino ka ba? At anong nilalang ka ba? Paano mo nagawa yun? Yung tinawag mo 'ko sa isip ko tapos nahila mo 'ko nang ganun?"     "Nagawa ko yun dahil alipin na kita," sagot niya naman agad.     "Ano? Paano naman nangyari yun?" tanong ko pa. "Ako, si Yohan Caleb, ay mula sa isang marangyang angkan! Hindi mo ako pwedeng gawing alipin!"     Tumawa yung babae. "Yohan pala ang iyong pangalan. Yohan, may majika ang halik ko. Ang sinumang mabuhay pa pagkatapos malason ng halik ko ay magiging alipin ko na habang buhay."     Baliw yata ang babaeng ito. Sayang, ang ganda pa naman sana niya. "Ayos ka lang? Paano naman nangyari yun?"     "Dahil yun ang kapangyarihan ko. Makakausap na kita sa utak mo at matatawag kita papunta sa'kin kahit saang lupalop ka pa magtago dahil alipin na kita."     Ano daw? "Hindi pwedeng mangyari 'to!" sigaw ko. "Niloloko mo 'ko! Oo tama! Inaakit mo ako dahil ako si Yohan Caleb, ang pinakamayaman, pinakagwapo, pinakamalakas, at pinakamatapang na lalaki sa buong Arkhanta!"     Bigla namang sumeryoso ang mukha niya. "Galing kang Arkhanta?"     "Oo!" sagot ko.     Bigla siyang tumayo. Napakabilis ng mga sunod na nangyari. Kumilos siya nang pagkabilis-bilis at sinakal na lang niya ako bigla. "Kung taga-Arkhanta ka, ibig sabihin kilala mo ang hari ng bansang yun!"     "Bitawan mo 'ko!" sigaw ko. Ang lakas niya, halos hindi na ako makahinga sa pagkakasakal niya sa akin. "Oo kilala ko ang hari!"     "Kung ganoon ay papatayin kita!" sigaw niya. Eto na yata talaga ang kamatayan ko. Hanggang dito na lang ba ang buhay ko? Sa mga kamay ba ng isang maalindog na babaeng halimaw magwawakas ang aking kagwapuhan?     Ang hirap tanggapin. Hindi ko maatim. Lalo pa’t hinihintay ako ng aking iniirog. Ang Prinsesang hindi ko pa makuha-kuha. Ang tanging bagay o taong hindi ko maabot kahit na mayaman ang aking ama. Ang babaeng mula pa sa aking pagkabata ay inasam ko na. Kaya't hindi maaaring dito magtapos ang buhay ko! Kailangan kong makagawa ng paraan upang makatakas ako!     Ngunit sa paanong paraan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD