The 13th Madness

1579 Words
Napa-upo ako bigla sa gilid ng kama habang tinititigan ang text message na natanggap ko mula kay Nyle. Nagulat ako. Birthday? Ngayon? Hindi naman ngayon ang birthday ko. Alam kong bukas pa 'yon. Mali ba ang tingin ko sa kalendaryo o may iba siyang gustong iparating? O baka nag-uulyanin na siya? Tumatanda na talaga. Pinilit kong alalahanin kung ano nga ba ang date ngayon. Sigurado ako, bukas pa ang birthday ko. Hindi ko maintindihan kung bakit siya magte-text ng ganito. Minsan alam kong malilimutin si Nyle dahil busy siya sa trabaho, pero hindi naman niya nakakalimutan ang mismong araw ng birthday ko. Sa tagal naming magkasama, kilala ko na siya—maalalahanin, detalyado, at lagi niyang pinag-iisipan ang mga plano namin lalo na kung may okasyon. Masyado lang 'yata akong nago-overthink. Nang magpatuloy akong tinitigan ang text, may kakaibang kaba akong naramdaman. May plano ba siya na hindi ko alam? Baka naman sinadya niyang sabihin 'to para gulatin ako. Mahilig si Nyle sa mga surprise, lagi siyang may paandar. Pero ngayon, parang iba. May parte sa akin na natatawa kasi alam kong may tinatago siya, pero may parte rin sa akin na nagtataka-bakit nga ba ngayon? Bakit ba bigla na lang ako naging concern? Bigla kong naalala ang paper bag na inabot sa akin ni Brian kaninang umaga. Dahil sa meeting kanina ay hindi ko na napansin iyon buong araw. Agad kong kinuha mula sa gilid ng nightstand, medyo magaan pero halata sa itsura pa lang na may laman itong mahalagang bagay. Nang buksan ko ang paper bag, tumambad sa akin ang isang makintab na black leather box. Tila luxury ang vibe nito, at nang alisin ko ang takip. Isang mamahaling relo, hindi basta-basta. I have lots of watch collection but I must say na naiiba ito, halatang mas mataas ang value. Kumikinang sa ilalim ng ilaw ang polished na stainless steel case, perpektong bilog na may eleganteng black dial. Mayroon itong malalaking Roman numerals na parang mas lalong nagbibigay ng klaseng itsura. Ang strap ay mula sa premium black leather, malambot at halatang matibay na may maselang stitching sa gilid. Napaka-sleek at sophisticated ng kabuuan ng relo. Sa ilalim ng glass, nakita ko ang pangalan ng brand. Patek Philippe. Ang mga detalyeng ito, mula sa maliit na engravings hanggang sa intricate na mekanismo na makikita sa likod ay nagpapakita ng sobrang husay sa craftsmanship. Sa mahal ba naman ng relo'ng ito. Hinawakan ko ito at naramdaman ko agad ang bigat nito, hindi mabigat sa punto ng discomfort pero sapat para iparamdam na solid at matibay ang pagkakagawa. Habang abala akong tinititigan ang relo, biglang kumatok ang kasambahay namin. Napaangat ako ng tingin, saglit na naputol ang iniisip ko tungkol sa mamahaling relo. "Sir Xander, pinapasundo po kayo ni Sir Nyle. Ihahatid daw po kayo," sabi ng kasambahay, nakatayo sa may pinto. Napakunot ang noo ko. "To where?" tanong ko habang tinitiklop ang leather box ng relo. "Hindi po niya sinabi ang mga detalye, Sir, pero pinapapunta na raw po kayo ngayon." Nagulat ako pero hindi ko na rin nagawang magtanong pa. Kilala ko si Nyle, kung may pakana siya siguradong pinaghandaan niya iyon. Tumango ako at ngumiti nang bahagya sa kasambahay. "Sige, magbibihis lang ako. Sabihin mo kay Nyle na papunta na 'ko." Pagkalabas ng kasambahay, tumalikod ako at tumungo sa walk-in closet. Agad kong binuksan ang mga drawer at nagsimula akong maghanap ng maisusuot. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang inihanda ni Nyle, kaya kailangan kong maging handa para sa kahit anong klase ng event. Mahirap na baka magmukha akong basahan, nakakahiya naman. Ito ang mahirap kapag walang detalye. Tumingin ako sa mga nakasabit na damit. May mga formal suits, casual outfits, at semi-formal pieces. Napaisip ako. Ano ba talaga ang dapat kong isuot? Kailangan bang mag-suit? O baka naman simple lang ang okasyon? Pero knowing Nyle baka gusto niyang presentable ako. Napatingin ako muli sa relo na hawak-hawak ko pa rin. "Mukhang bagay ito sa kahit anong isuot ko," bulong ko sa sarili habang sinisilip ko ang makinang na dial at eleganteng strap. Naalala ko ang pagkaputol ng oras ko sa relo,parang ngayon, napuputol din ako sa kalituhan kung ano ang plano ni Nyle. Huminga ako nang malalim at nagdesisyon, isang sleek navy suit ang pinili ko, elegante pero hindi sobrang formal. Pinartneran ko ito ng crisp white shirt. At bago ako tuluyang umalis, isinusuot ko ang relo sa kaliwang pulso ko. --- Habang papunta ako sa venue, ang isip ko ay puno ng mga tanong. Ano kaya ang inihanda ni Nyle? Nang malapit na ako, nakita ko na ang isang magandang garden na puno ng mga ilaw na kumikislap sa dilim. Ang mga puno ay may mga string lights na nakabit, na parang mga bituin na nahulog mula sa langit. Napansin ko ang mga lantern na nakakalat sa paligid, nagbibigay ng warm glow sa buong lugar. Sa gitna, may isang lamesa at tig-isang upuan, may kasamang pagkain at ilang bote ng champagne. Habang lumalapit ako, naamoy ko ang halimuyak ng mga bulaklak na nakapalibot. Mayroong roses, jasmine, at ilang mga wildflowers. Tila perpekto ang lahat, at ang pakiramdam ko ay para akong napasok sa isang fairy tale. May mga rose petals sa paligid, na parang nag-aanyaya sa akin na umupo at mag-relax kasama si Nyle. Dito sa venue, parang nahihirapan ako magpaniwala na isang simple at intimate na setting lang ito pero sobrang espesyal. Sobrang romantic ang ambiance, at habang iniisip ko ang mga surpresa ni Nyle. Habang naglalakad ako papalapit, nakaramdam ako ng excitement at kilig. Paano kaya ang magiging sorpresa nito? Ang mga ilaw, ang mga bulaklak, at ang lahat ng detalye, alam kong hindi basta-basta ito. Sigurado akong may nakatakdang magandang plano si Nyle para sa akin. Umupo ako, tinignan ang paligid at huminga nang malalim. Ang mga ilaw sa paligid ay kumikislap ngunit sa isip ko ang tanging bagay na nag-occupy ay si Nyle. Nag-check ako sa phone ko pero wala pa rin akong natanggap na response galing sa kanya. Nasaan na ba ang isang 'yun? I checked my phone again but there was still no response from him. As I pondered, I suddenly heard the sound of a violin playing in the distance. Its sweet and melodic notes reached me, tugging at my heart. I bit my lip and looked in the direction of the sound. Moments later, Nyle appeared, smiling widely, holding a beautiful bouquet of flowers. Habang papalapit siya, parang lumalabo ang lahat sa paligid ko. Ang kanyang ngiti ay nagbigay liwanag sa buong lugar, at ang bouquet ay may mga colorful na bulaklak na tila naglalaro sa hangin. Ang pakiramdam ko ay parang may magic sa paligid. Ang mga ilaw, ang music, at ang presensya niya ay nagdala ng sobrang saya sa akin. "Happy birthday," ang sambit niya, habang iniaabot ang bouquet sa akin. "This is for you." As he approached, everything around me seemed to blur. His smile lit up the entire area, and the bouquet had colorful flowers that danced gently in the breeze. I felt a sense of magic in the air, the lights, the music, and his presence brought me immense joy. "Thanks," I replied. Napansin ni Nyle ang suot kong relo, at napangiti siya. Para bang lumutang ang mga bituin sa paligid. Kumagat ako sa labi ko at napansin kong lumapit siya sa akin. Kinuha niya ang kaliwang kamay ko at dahan-dahang hinalikan iyon. "Bagay sa 'yo," sambit niya, may ngiti sa kanyang mga mata. He looked at me intensely, our gaze met. Naramdaman ko ang init na umakyat sa mukha ko sa kilig pero pinilit kong huwag ipahalata. Gusto kong magpaka-cool, pero sa loob ko parang naglalagablab ang damdamin ko. While he was holding my hand, I could feel the warmth of his touch. It felt intimate and special, and I couldn't help but smile back at him. Ang simpleng halik na iyon sa aking kamay ay tila nagbigay ng sigla sa buong gabi. Nagpasimula ng isang napaka-romantic na sandali. "Ang relong ito ay parang ikaw," dugtong niya, na parang hindi niya alam kung gaano kalalim ang mga salitang iyon. "Sobrang classy at mahalaga." I smiled at him without saying a word. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Ilang buwan na rin akong binabagabag ng mga katanungan tungkol sa nangyari sa amin ni Nyle two years ago. Sa bawat pagkakataon na kasama ko siya, may mga alaala akong bumabalik, mga larawan sa isipan na nagiging dahilan ng pag-alala sa mga pagkakataong iyon. Ang mga tanong na iyon, habang tumatagal ay parang mga pader na humaharang sa akin, pinipigilan akong makaramdam ng ganap na saya. Ngunit sa gabing ito, nagpasya akong hindi na itago pa ang nararamdaman ko. Ayaw ko sanang sirain ang gabing ito, sayang ang ambience, ang mga ilaw, ang mga ngiti pero ang katotohanan ay parang isang nakakapang-init ng ulo na nakabigti sa akin. Kung hindi ngayon, kailan pa? Baka hindi ko na makuha ang sagot na hinahanap ko. Habang nag-uusap kami, ang mga mata ni Nyle ay puno ng saya. Ngunit sa likod ng aking isip, ang mga tanong ay umaalon, at unti-unti akong nilulunod. "Nyle," tawag ko sa kanya, at naramdaman kong tumigil ang mundo sa paligid. Nag-init ang aking puso habang pinipilit kong ipaalam sa kanya ang nararamdaman ko. "May gusto akong pag-usapan... Tungkol sa nangyari sa atin dalawang taon na ang nakalipas." Narinig ko ang tunog ng violin na nagsimula ulit, nagdadala ng mas romantikong ambiance. Pero mas nananaig sa 'kin malaman ang katotohanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD