The 12th Madness

1514 Words
Bumaba ako ng kwarto para pumunta sa kusina at uminom ng malamig na tubig. Gusto ko sanang magpaluto kay Nyle ng pagkain kaya lang ay maaga siyang umalis para pumasok sa trabaho. Na-miss ko ang mga luto niya, before I decided to move out. Pwede naman ako magpagawa ng pagkain sa kasambahay pero mas gusto ko ang luto niya. I don't know. Maybe I'm used to it these past few days. Hinahanap-hanap ko bigla. "So, it's true? You are finally back." I closed the fridge and turn around. "And?" I saw Brian's smile from ear to ear. Mukha siyang aso! "Best friend. I miss you!" "The feel is not mutual, Brian. Anong ginagawa mo dito?" I emptied the glass I'm holding. "Wala naman," Pumunta siya papalapit sa 'kin. "I just want to see you." "Whatever," I rolled my eyes. Nilapag ko sa table ang basong hawak nang mag-ring ang phone ko. Tumatawag si Ayla. "Why?" "Free ka ba today?" "Yes, available ako ngayon," Nakita kong may inilapag si Brian sa table katabi ng basong ginamit ko. "Alis na 'ko, Xander." He waived then left. "Sorry," I turned my attention to Ayla. "Ano ulit sabi mo?" "I was asking if you're available for a meeting? May TV commercial na offer sa'yo and they wanted to meet you para pag-usapan 'yong project." "Sure." Mula nang dumating ako sa mansion ay wala along ginagawa kundi mag-social media, matulog, pumanta ng gym, at makipag-bwisitan kay Nyle. Medyo na bo-bored ako kaya mabilis kong tinanggap ang offer ni Ayla. Pagkatapos ng tawag, mabilis akong nag-ayos. Kailangan ko ng bagong anggulo para sa meeting. Habang nag-aayos, hindi ko maiwasang balikan ang mga alaala kasama si Nyle at ang mga simpleng bagay na nagpapasaya sa akin nito mga nakaraang araw. Muntik ko nang sampalin ang sarili ko dahil para akong bata. Matapos ang ilang minuto ay nakapagbihis na ako. Bago lumabas, napansin ko ang paper bag na iniwan ni Brian. Hindi ko na sana papansinin iyon pero nakita ko ang maliit na card na. This is definitely Nyle's penmanship kaya't binuksan ko ito. How about we spice up the evening with a dinner date? I promise to bring the charm, you just bring your appetite. Napakunot na lang ako ng noo dahil sa corny niyang linya. Ang aga-aga para mag-aya ng dinner date. Mukhang paspasan ang trabaho niya ngayon. --- Pagdating ko sa studio, andoon na si Ayla. "Xander! Buti nakarating ka!" excited niyang bati. "Yeah, ano bang plano?" tanong ko. "May mga creative directors na darating. Sabi nila, kailangan ang fresh perspective mula sa'yo," sagot niya habang naglalakad kami papasok sa conference room. "Bakit ako? I mean, hindi ba dapat—" "Hi, Mr. Chavez." bati ng isa sa mga creative directors. "Ayos ka lang?" bulong ni Ayla. "Bigla kang namula, may sakit ka ba?" "No, I'm okay." That caught me off-guard. Ginagamit ko ang real name ko sa lahat ng documents ko dito sa Pilipinas kaya bago sa pandinig ko nang tawagin ako sa pangalan ni Nyle. "Since you're already here. Shall we start?" --- Nasa meeting ako pero hindi ako makapag-concentrate. Paulit-ulit ang tunog ng cellphone ko—si Nyle na naman. Nagpapaulit-ulit siyang tumatawag kahit ilang beses ko nang sinabi na busy ako. Alam naman niyang may importante akong meeting ngayon. Naiinis na ako, lalo na’t ilang beses ko nang pinaliwanag sa kanya kaninang umaga sa text na magkikita naman kami mamayang gabi. Pinilit kong ibalik ang atensyon ko sa mga kasamahan ko, pero heto na naman—isang tawag na naman mula kay Nyle. Parang gusto kong patayin na lang ang phone ko pero alam kong magtatampo siya ka. Nakakainis na! “Mamayang gabi na lang tayo mag-usap,” iyon ang sabi ko sa text pero eto, tumatawag pa rin siya na parang hindi niya naiintindihan. "Sorry to cut you off," sabi ni Ayla sa speaking. "Mr. Chavez wants to talk to Xander for a while. Pwede pause muna natin ang discussion?" "Not a problem." Pinatay ng speaker ang projector at bumalik ang liwanag sa conference room. "We will have a short break, everyone." Nag-alisan na ang mga tao including Ayla kaya ako ang naiwang mag-isa. Sa wakas, hindi ko na kinaya. Kinuha ko ang cellphone at sinagot ang tawag ni Nyle, medyo iritable pa rin dahil napilitan silang i-pause ang meeting dahil sa kanya. "Ano ba, Nyle? 'Di ba sabi ko, busy ako?" sinimulan ko sa medyo tigas na boses dahil hindi ko mapigilan ang inis ko. Considering na busy din siya sa kompanya at pwede maantala ang trabaho niya, at ang meeting namin. Narinig ko ang malambing niyang tawa sa kabilang linya. "Alam ko, Xander. Pero... na-miss ko lang ang boses mo kaya naisipan kong tawagan ka ngayon." Napa-roll eyes na lang ako kahit hindi niya ako nakikita. "Nyle, seryoso? Alam mong may meeting ako." "Bakit? Hindi ba pwedeng marinig ko lang saglit ang boses ng taong mahal ko?" sagot niya, boses malambing pa rin. "Isang 'hi' lang, okay na ako." Pinipilit kong huwag ipahalata na kinikilig ako dahil lalo niya lang akong aasarin. "Nyle, busy talaga ako ngayon," sagot ko sa mas mahina na ang tono. Pero ewan ko ba, ang lambing niya ngayon na para bang batang nanghihingi ng candy. Parang gusto ko na ring ngumiti. "Okay, okay," bumuntong-hininga siya. "Pero ang cute mo kasi kapag nagagalit, e. Lalo na ‘yung boses mo—kahit iritable ka, gusto ko pa rin marinig." Napa-smile ako nang konti kahit sinusubukan kong magpigil ng ngiti kanina pa. "Ang kulit mo talaga, Nyle." "Tara na, Xander. Isang 'I miss you' lang, okay na ako." "Fine, fine," bulong ko, pilit na siniseryoso ang tono ko. "I miss you." Pagsuko ko para tantanan na rin niya ako at matapos na 'to. "Ayan! 'Yan ang gusto kong marinig. Okay na ako. Go back to your meeting na, love," sabi niya, halatang masaya sa linya. "Oo na," sagot ko, pailing-iling. "Mamaya na tayo magkita." "Can't wait," sabi niya bago binaba ang tawag. Napailing na lang ako habang inilalapag ang cellphone sa mesa pero hindi ko mapigilang ngumiti ng konti. Si Nyle talaga, ang kulit... pero effective. --- Papasara na ang pinto ng elevator nang makita kong may isang babaeng tumatakbo papalapit. Humihingal siya, halatang nagmamadali para makahabol. Bigla akong nakaramdam nang awa, lalo na nang mapansin kong may isang lalaking nasa likuran ko na tahimik na naka-hold and press sa close button, parang ayaw niyang makapasok ang babae. Napaisip ako, seryoso ba 'to? Lumingon ako sa kanya na medyo iritado. “Excuse me, may naghahabol. Pwede bang i-release mo 'yung button?” Hindi man lang siya kumibo na parang hindi ako narinig. Pinapanood ko siya, at kitang-kita kong sinasadya niyang hindi bumitaw sa pagkakapindot. Huminga ako nang malalim ngunit pigil ang inis. Kalmado pero diretso kong sinabi, “Hindi mo ba nakikita na may tumatakbo? Bitawan mo ‘yan.” Wala pa rin siyang pakialam. Hindi na ako nagdalawang-isip at tinanggal ko na mismo ang kamay niya. Nakakainis lang dahil alam kong naririnig niya ako at halatang nagbibingi-bingihan lang. Most people find it rude but I don't care. Pinindot ko ang open at mabilis na bumukas ang pinto. Nakahabol ang babae, halatang nagpapasalamat siya. Pumasok siya habang humihingal pa, at nagbigay ng maliit na ngiti. "Salamat," bulong niya. “Walang anuman,” sabi ko, sabay lingon muli sa lalaking nasa likuran ko. Tahimik siyang nakatingin sa sahig na parang walang nangyari. Tumahimik na rin ako pero alam kong ginawa ko ang tama. Minsan talaga, naiisip ko kung bakit ang hirap para sa ibang tao na maging considerate. Hindi naman kailangang palaging malaki ang effort para magpakita ng malasakit sa iba. Minsan, simpleng bagay lang—katulad ng paghawak ng pinto para sa taong nasa likuran mo. Ang hirap ba talagang pansinin na hindi lang tayo ang umiikot sa mundo? Nang makalabas ako ng building ay narinig kong tumunog ang phone ko. Tumatawag si Nyle. "Sunduin na kita sa studio. Wala naman akong ginagawa ngayon," pagdadahilan niya. "Nyle, 'wag na. Alam kong busy ka sa trabaho. Magkikita naman tayo mamayang gabi, diba? No need to pick me up." "Hindi nga ako busy, promise!," sagot niya na parang bata. "Gusto lang kitang makita agad. Let me pick you up, please?" Napabuntong-hininga ako, halong inis at kilig. Bakit ba ang kulit niya? Pero at the same time, nakakatuwa din na ganito siya ka-persistent. Ayoko lang talaga siyang istorbohin dahil alam kong marami siyang ginagawa. "Okay lang ako, makikita mo rin ako mamaya." "Ayoko na maghintay pa ng gabi. Sunduin na kita, tapos sabay na tayong uuwi." Sinarado ko na ang pinto ng kotse pagka-upo ko. "Wala na nakasakay na 'ko pauwi. Sige na, bababa ko na 'to." Alam kong nasa linya pa si Nyle. "See you later." Hindi pa rin siya nagsasalita. Maya-maya ay narinig ko sa background niya na tinatawag na siya. Hindi na ako naghintay ng response niya at in-end ko na ang tawag. I received a text message from him. Happy birthday! Can’t wait to celebrate with you tonight—are you ready for the best birthday surprise ever?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD