bc

The Gorgeous Man's Madness

book_age16+
120
FOLLOW
1K
READ
love after marriage
arrogant
drama
humorous
city
office/work place
mxm
gay
model
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

I'm not your typical protagonist. I'm no damsel in distress. They can say what they want to say because I really don't care.

Ako bilang ako.

Hindi ko kailangan mag-adjust para lang magustuhan nila ako. Kung hindi nila ako tanggap. Well, that is not my problem.

Nakakatuwa lang isipin na pati 'yata ang buhay ay hindi naging mabait sa akin. Totoo naman kasi ang sabi nila, kung ano ang ginawa mo sa iba ganun din ang gagawin nila sa iyo.

So, karma ba ang tawag nila dito?

A taste of my own medicine.

In the real world, people despise the bad one but they forgot to look themselves. It's so ironic, isn't?

chap-preview
Free preview
Prologue
I usually check my social media accounts kapag hindi ako busy, and also to check what's trending. Scroll lang ako nang scroll sa i********: account ko nang mapansin ko ang dati kong classmate noong high school. Si Brenda, isang ang babaeng pasosyal. Punum-puno ng branded bags, clothes at jewelries ang account niya. Meron pa siyang trips local and international parang celebrity lang ang peg. It would have been nice to flaunt her luxury things pero sana matuto siyang magbayad ng utang niya. Kung tutuusin maliit lang naman na mahalaga iyon. Katumbas lang naman ng isang Chanel na bag. I wouldn't mind if she would pay it or not. Ang ganda mo nga wala ka namang pera. Naku lang ha! Ang dami kong kilalang ganyan. I am looking myself at the mirror habang busy ang makeup artist sa pag-aayos sa akin. I prepared for three months to make this photo shoot possible. Isang bagong endorsement ang ilalabas sa market sa ibang bansa at isa ako sa napili na mag-brand para sa isang apparel na gagawing billboard. Tumayo na ako nang matapos ang makeup ko. Light application lang para ma-enhance ang ilang features ng mukha ko. I put on the clothes then came out of the dressing room. I was about to step out when I saw my co-models. Naramdaman ko kung paano nila ako titigan mula ulo hanggang paa. Oh... I love to slap those bitches. Hindi pa rin nila ako nilubayan ng tingin hanggang sa matapos ako sa harap ng camera, then this one gay man came to approach me. Isa siya sa mga androgynous model. "What?" "Wala naman," sabi niya. "I just hate your beard like a bird's nest. Ipatanggal mo, hindi bagay sa 'yo." I sensed the irritation on his voice. I just laughed at that thought. Hindi ko alam kung anong pinuputok ng butsi ng baklang 'to. "Really? You find it weird?" I crossed my arms. "Bakit kaya hindi mo ipatanggal 'yang nose implant mo? O kaya bawasan mo ang sobrang pag-inom ng glutathione." Bigla siyang napahawak sa ilong niya. I saw the redness of his face. Paano ba namang hindi, sa putla ba naman ng mukha niya. Gawin ba namang hobby ang pagtuturok ng gluta. Ilang buwan na kong nagtitimpi sa ugali ng tatlong 'to. Ayaw ko sanang mainis ngayon dahil masisira ang makeup ko pero hindi ko talaga maiwasan. Nakakagigil lang kasi! Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang dalawa niyang asungot sa likuran. Hinila ko palayo sa studio lights ang isa. "Ikaw lumayo ka sa sobrang liwanag baka malusaw ang silicone mo sa katawan." I heard the laughter coming from behind me. Sila lang naman ang biktima lagi ng tatlong ulikba na 'to na feeling magaganda. Nanlaki ang mata ng katabi niya nang tanggalin ko ang face tape sa kaliwang panga niya. "Poor you, my dear." Nakita ko kung paano lumaylay ang taba sa mukha niya. "This tape is not capable of hiding your baby fat." Nanlilisik na ang tatlong pares ng mata. Kulang na lang ay bumuga sila ng apoy. They call themselves as Charlie's Angels. I was like, what the heck?! Walang anghel na lumalaklak ng gluta. Walang anghel ng mga silicone at walang anghel na parang mummy sa dami ng tape sa katawan. Ako ilang buwan naghanda para sa photoshoot tapos lalaitin lang nila ako. As if there's a flaw in my body. If you want to look good, you have to work hard to achieve it. Hindi iyong nandadaya. Ang kakapal ng lang pagmumukha! Those bitches flew away with a teary eye. I smile for victory. I looked at myself in the mirror again. Totoong may balbas ako pero parte ito ng genes ko (not that bushy). Hindi ko kasalanan kung Half-Arab, Half-Filipino ako. Ano? Genes ko pa mag-aadjust?! Bawal i-shave hanggang matapos ang photoshoot. I looked at the people around and saw them mixed with shock and amazement on their faces. Pinandilatan ko sila ng mata. "Show's over, guys! Get back to your own business!" --- Pinili kong manirahan sa isang condominium unit malapit sa work place ko. Nagsimula akong mabuhay mag-isa ng iwan kami ng tatay ko noong nasa high school palang ako noon. A few months later, my mother died due to cancer. I was so devastated and I didn't know what to do that time. Nang mamatay ang nanay ko, tinulungan ako ng tiyahin ko para maka-survive araw-araw lalo na't nag-aaral pa ako noon, kaming dalawa ng kuya ko. Unti-unti ko nang natanggap na wala na ang parents ko but still there is pain in my heart. It was after I graduated from highschool that I learned my aunt will be leaving, para makasama ang pinsan ko sa ibang bansa. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na matagal nang pinipestisyon ang tiyahin ko para kunin ng pinsan ko. Ayaw pa nga sanang pumayag ng tiyahin ko dahil wala raw akong makakasama which is totoo naman. But eventually, natuloy pa rin ang pag-alis niya. She even deposited money to my bank account for my daily expenses. Maayos kaming naninirahan ng kuya ko nang dumating ang matinding delubyo sa aming dalawa. Habang naghahanap ako ng eskwelahan para sa papasukan kong kolehiyo ay unti-unting nauubos ang pera ko sa banko at nagkaroon ako ng hinala. Mayroon din siyang access sa account ko, since I considered it as our money. Nadurog ang puso nang malaman ko na nilulustay ng kapatid ko ang pera para sa bisyo niya. May pagkakataon na hindi siya umuuwi ng ilang araw. Bigla na lang susulpot sa bahay at aalis ulit. Ni hindi ko alam kung kumakain ba siya ng maayos dahil sa biglang pagbagsak ng katawan niya. Nawala ang makisig nitong pangangatawan. Everything changed when that night happened. He came home, with his drunk state and his eyes are quivering in anger. Aligaga ang kapatid ko habang ginagalugad ang buong bahay at naghahanap ng pera. Napagtanto niya na wala sa loob ng bahay ang hinahanap niya. Hindi ko malilimutan na sa unang pagkakataon ay sinaktan niya ako physically. Malayo sa dati kong superhero na kapatid. He ran out of the house when he realized what he had done. I never saw him again. --- Mula sa kapitbahay namin noon, nalaman ko na nahuli si Kuya ng mga otoridad dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Dinadalaw ko siya sa kulungan para kumustahin. Ang sakit lang sa puso dahil siya na lang ang kaisa-isang pamilya ko tapos magkalayo pa kami. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing dadalawin ko siya ay hindi niya ako hinaharap. Nagulat ako nang malaman na kagustuhan ng kapatid ko na huwag ko siyang dalawin. I don't know how many times I had to force the police to see my brother. I gave up when I realized he wants to distance himself from me. Ilang araw mula ng huling pagdalaw ko sa kapatid ko ay nakapanood ako ng isang news flash sa TV. Ipinakita ang lugar ng insidente na pamilyar sa 'kin. Nagkaroon ng jail break. Naka-flash sa TV screen ang mga pangalan ng mga preso at kasama doon ang pangalan ng kuya ko. Halong takot, pag-aalala, at pangamba na baka may masamang mangyari sa kanya. Ilang araw pagtapos ng insidente ay nabalitaan ko na maraming preso ang tinangkang manlaban sa mga pulis. May mga nahuli at sugatan pero meron ding ilang napatay dahil sa engkwentro at kasama si Kuya Dexter. Namatay siya dahil sa tama ng baril sa puso niya. Hindi ako sigurado kung aksidente ang pagkakabaril o sinadya. Dahil ayon sa mga usap-usapan, kasama si kuya sa mga armadong mga preso kaya tanging pagbaril sa puso ang naging aksyon ng mga pulis para mapatigil ang mga ito. --- Napasinghap ako matapos tignan ang lumang family picture sa loob ng kwarto. Pina-restore ko ang picture saka inilagay sa magandang frame. Minabuti ko na lang na itago ulit sa loob ng drawer ko ang frame. Napakalamig ng paligid pero pakiramdam ko nag-iinit ang sulok ng mga mata ko. Peste naman oh! I was about to close my drawer when noticed a small box. I opened it and saw a ring—a wedding ring. Naalala ko kung paano nito binago ang buhay ko. Nagpadalos-dalos ako ng desisyon sa buhay. Hindi ko alam kung bakit ako nagpakasal sa lalaking hindi ko naman sigurado kung mahal ko ba talaga.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mhorric Soliven: The Billionaire's Maid

read
446.1K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
248.6K
bc

One Night with the Bachelor

read
7.1M
bc

Marrying My Fiancee

read
462.2K
bc

Taz Ezra Westaria

read
108.4K
bc

My Husband Is A CEO Boss

read
475.6K
bc

Billionaire's Twins

read
266.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook