I don't know what happened on this mansion two years ago. Wala rin namang nababanggit si Kyla sa akin at maging si Brian. Matagal akong nawala kaya wala akong balita. Wala rin akong contact kina Tito Eddie for the past two years.
Unang tapak ko sa carpeted na sahig ay siyang paglibot ng mata ko sa paligid. I see no difference, the chandelier, furniture, even the staircase just well-maintained.
"Tatayo lang kayong dalawa jan"? tanong ni Kyla sa amin ni Nyle. Hindi ko sumagot dire-diretso lang ang lakad ko papasok. Wala ako sa mood makipagsagutan.
I was about to open the door when I felt his arm wrapping around my waist. He looked at my eyes intently as if he's asking for my permission. Agad akong nagbitiw dahil naramdaman kong bumilis ang t***k ng puso ko. My goodness!
Bumungad sa akin ang pamilyar na kwarto. Pareho pa rin ang ayos ng mga gamit base sa pagkakantada ko bago ang umalis. Bawat sulok, bawat angulo, maging ang amoy sa paligid ay walang pagbabago. Nangingilid ang mga luha ko pero ayaw kong mahalata ni Nyle.
"Want to try the bed?"
"Nandito pa ba mga dati kong damit?" pag-iwas ko sa tanong niya. Alam ko kung saan na naman pupunta ang usapan.
"I'll ask the maids."
"Wait!"
Agad siyang tumigil sa paghakbang at humarap sa akin. Lumakad ako papalapit sa kanya. I saw how his eyes glittered, he bit his lower lip and lick it. Nawala ang namumuong emosyon sa mukha niya nang lagpasan ko siya at isara ang pinto dahil may mga bagay akong gustong malaman.
Anong bang iniisip niya? Na makakaisa siya?!
Umupo ako kama, malapit sa night-stand table. Ramdam ko ang lambot ng kóbre-kama. Halatang bagong palit. "Mind to explain something?"
He sat beside me. "About what?"
"Where are you for the past two years? I mean, your whereabouts? Kung hindi ka tumutuloy dito?"
"Kina Tito Simon."
"Bakit? Why not here?"
"It's because I miss you," he looked around. "All these things remind me of you. I'm frustrated dahil hindi kita kasama. Sa dining, living room, sa kitchen, garden, especially in this room."
I remained silent and did not utter a word. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Bihira ko lang makita ang ganito niyang side, and I'm not used to it to be honest. Nabibigla pa rin ako.
I have to admit, I was moved.
Namalayan ko na lang na nakabalot na mga braso ko sa katawan niya habang hinahagod ko ang likod niya. Inihanda ko na ang sarili ko na baka bigla siyang umiyak kaya tinibayan ko na ang loob ko, pero walang nangyaring pag-iyak.
"Nyle?"
"Hmmm?"
When I was about to unwrapped my arms around him, I felt his arms on mine. Siya naman ang nakayakap sa akin.
"Can we stay like this forever?"
---
"I missed you both!" sigaw ni Kyla habang kumakain kaming tatlo.
"Oo na! Kanina ka pa. Rinding-rindi na 'ko."
"E, kasi naman para kayong buwan at araw. Ang hirap niyong pagtagpuin," Kyla sipped her glass of water. "Well, I'm happy now dahil you guys are here na."
For some reason, the stake tastes good, no, the best, maybe? Hindi ko alam pero ang gaan nang pakiramdam ko nang makabalik ako sa mansion. It feels like home. Warm and welcoming. Napansin kong nakatingin sa akin si Nyle kaya binigyan ko siya ng ngiti na agad naman siyang nag-iwas ng tingin, na ipinagtaka ko.
I saw Kyla giving me a thumbs up. Weird. What's going on?
"Are you staying for good na ba Kuya?" She's asking Nyle.
Napatigil ako sa pagnguya nang maramdaman kong may sumipa sa binti ko, mahina lang. Nakakainis makita ang nakangisi niyang mukha kaya naman gumanti ako pero mukhang napalakas 'yata ang pagsipa ko.
I saw the pained expression on his face. You deserve it! Ang lakas ng saltik ng isang 'to. Parang bata.
"Hey! May kausap ba 'ko?" Kyla grunted. "May tao ba dito? Hello?!"
---
Pinipilit ako ni Nyle na manirahan ulit sa mansion kasama siya pero hindi pa ako pumapayag. "Pag-iisipan ko," ang lagi kong sagot sa paulit-ulit niyang tanong. Hanggang sa hindi ko na malayan na mag-iisang buwan na pala ako dito.
Ang bilis ng araw.
He also asked me if I'm gonna sell my condo and my answer is always no. May sentimental value na sa akin ang lugar na iyon. Ang condo na 'yun ang naging takbuhan ko noong mga panahong mag-isa ako. Sa lugar na iyon muli kong binuo ang sarili ko.
Or maybe, I can use that place to store all of my belongings kapag hindi na kasya sa kwarto namin sa mansion, na imposibleng mangyari.
"I have to go," paalam ni Nyle.
"Okay."
"Wait," binalik ni Nyle ang hawak na phone sa bulsa niya. "Wanna come?"
"Saan?"
"Sa office. I have to sign papers and do some errands."
Wala na akong nagawa nang hatakin niya ako palabas ng kwarto. He even insisted na siya na lang ang mag-drive ng kotse kahit meron naman siyang driver, para raw kaming dalawa lang. Naiinis ako dahil panay ang hawak niya sa legs ko habang nagpapatakbo ng sasakyan. Ilang beses ko siyang sinaway na dalawang kamay ang hawak sa manibela. Mabuti na ang nag-iingat. Hindi puro kalandian ang inaatupag.
We were greeted by his staffs upon arrival on the premise. Kalawa't kanan ang mga kumakausap kay Nyle. May tungkol sa meeting, sa supplies, sa vendors, calls, na hindi ko naman maintindihan.
Nang makapasok kami sa office niya ay sinalubong kami ng secretary. "Good morning, sir," hawak nito ang napakaraming dokumento. "For signatories."
Agad tinignan ni Nyle ang mga papeles. Nalula ako sa dami. Paniguradong kung sa akin pinagawa ang pagpirma, malamang nasusunog na mga 'yan. Hindi ko kayang pumirma ng ganyan karami.
"For check deposit?" tanong ni Nyle habang hawak ang checkbook.
"Yes, sir, urgent lang po," sagot ng secretary. "Right after niyo mapirmahan diretso ako ng bank to deposit. Mag-stale na po kasi ang check tomorrow, sorry for late update."
"No worries ako nang bahala."
Almost an hour when he finished signing those papers. Ako ang napagod para sa kanya sa dami.
"Sama ka?" he asked while I'm scrolling on my IG account.
"Where?"
---
Akala ko ay uuwi na kami kaya yamot na yamot ako nang isama niya ako sa bangko para mag-deposit na pwede naman niyang iutos sa secretary niya. Ang katwiran niya ay kailangan niya ring makausap ang branch manager. Hindi na ako nag-usisa dahil alam tungkol lang iyon sa negosyo.
Nang matapos niyang kausapin ang manager ay agad siyang nagpunta sa bank teller para iabot ang check kasabay ng VIP card. I crossed my arms tightly when I saw how this girl greeted my husband. Alam ko ang ganyang ngitian.
Lumapit ako sa counter. "Matagal pa ba 'yan?" kahit alam kong kalalapit lang ni Nyle.
"Kasama niyo po, sir?" I squinted my eyes in disbelief. Did just she ignore me?! "Papirma na lang po dito," turo ng babae. Lalo akong nainis nang pasimple niyang hinahawak ang kamay ni Nyle while guiding him where to sign. Kulang na lang kurutin at himasin niya.
I waited impatiently while Nyle signing those pieces of paper. Halos sampung cheke ang dala namin na may six digits ang bawat isa. I don't like the aura of this woman. She even have the gut to have a conversation with her co-worker. E, kung ireklamo ko kaya siya sa branch manager nang maturuan ng leksyon.
"Madalas po ba kayo dito? Parang ngayon lang kita nakita, sir?" tanong ng bank teller.
"Yes, actually, my secretary always do this but I have to talk to your manager for business purposes," sagot ni Nyle.
Tumango ang babae. "Sir, kasama niyo po pala ang kapatid niyo."
Did she assume that Nyle is my brother? Oh my gosh! Did she know where her boundary? Nagpantig ang ugat ko sa noong nang makita kong tumatawa si Nyle at nangiti na naman ang babae. Kinikilig ba siya?!
"No, he's my—"
"Husband," I cut his sentence. "I'm his husband, dear. Ngayon kung okay na ang lahat at napirmahan na niya ang dapat pirmahan pwede na ba kaming umalis?"
Ayon. Edi natameme siya.
---
Dala ko ang inis hanggang makasakay kami ng kotse at makabalik sa office niya, habang siya ay hindi matigil ang kakaasar sa akin. Paulit-ulit niyang tinutusok ang tigiliran ko.
"Sarap naman pakinggan," panunukso niya habang nakasandal sa office chair niya. "What am I to you again?"
"Shut up, Nyle."
"Come on. Say the magic word."
"Just shut up, okay?"
He stand up and walk towards me. Niyakap niya ako from the back pero nagpupumiglas ako. Nakakainis dahil naaamoy ko ang pabango niya. Mint flavor galing sa bibig niya. He blow my right ear softly, natigil ako sa paggalaw. I feel the shivers ran down my spine, para akong nakuryente.
"Nyle..."
"Yes..."
"Please, baka biglang may pumasok kung ano pang isipin nilang ginagawa natin."
"Bakit?" he whispered. "Ano bang ginagawa natin?"
I turned around to face him. He locked my face to meet my gaze. Our lips were centimeters away when I hear the door open.
Nakarinig ako ng tili. "I'm sorry!" then the door shut.