The 19th Madness

1585 Words
Alam ko kung ano ang gustong ipahiwatig ni Raphael. Hindi naman ako tanga. Sa mga biro niya, sa mga tingin niya, nararamdaman kong may iba siyang nararamdaman sa akin. Pero ayokong lumalim pa 'yon. Hindi dahil hindi ko siya gusto bilang tao—actually, gusto ko siya. Mabait siya, masarap kausap, at palatawa. Pero hanggang doon lang dapat. Co-workers lang kami, at hindi dapat lumagpas doon. Hindi ko pwedeng hayaang magulo ulit ang buhay ko lalo na't nagiging okay na kami ni Nyle. Nagka-ayos na kami, at hindi ko na kayang magdala pa ng isa pang komplikasyon sa buhay namin. Hindi ko alam kung may chance na lumalim 'to pero ang sigurado ako, hindi ko hahayaan. Ilang araw na ang lumipas pero wala pa ring nangyayari. Hindi kami nagpapansinan ni Raphael mula noong araw na 'yun. Ni hindi siya nag-attempt na kausapin ako, at ganun din ako sa kanya. Ang awkward pero siguro mas mabuti nang ganito. Hindi ko na kailangan pang magpaliwanag o magsimula ng isang usapan na magpapalubha pa sa sitwasyon. Siguro, kailangan ko na lang tanggapin na may mga bagay na hindi kailangang sabihin o harapin. --- Pagkatapos kong ibaba ang tawag kay Nyle, agad kong pinaandar ang kotse—isang sleek na black Mercedes-Benz S-Class. Hindi na ako kumuha ng driver dahil mas gusto ko kasi na mag-isa. Walang abala. Pagdating ko sa unit ko, nagulat ako nang makita si Nyle sa loob. "Kakakausap lang natin sa phone, ah," sabi ko habang nakakunot ang noo. "Anong ginagawa mo dito?" Ngumiti si Nyle at naglakad papalapit sa akin na parang walang ginawa kundi ayusin ang kwelyo ng kanyang shirt. "Nami-miss kita," sabi niya, parang ang simple ng sagot. I rolled my eyes. "Seriously? Kakakausap lang natin, Nyle. Hindi pa sapat ‘yun?" "I miss you," sabi niya habang hinila ako papasok. "Alam mo namang iba kapag sa personal. At saka gusto kitang makita agad." "Drama mo," sagot ko pero hindi ko na mapigilang ngumiti. Sa totoo lang, nami-miss ko rin naman siya pero ayoko siyang bigyan ng satisfaction na malaman 'yun agad. Lumapit siya nang mas malapit, halos magkadikit na ang mga mukha namin. "So, pwede ba kitang halikan? Kasi sa phone, hindi pwede ‘yun," bulong niya na may kasamang mapang-akit na ngiti. Pinilit kong hindi matawa. "Sige na nga. Pero isang kiss lang, okay?" Niyakap ako ni Nyle nang mahigpit bago ako binigyan nang mabilis pero malalim na halik. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin na parang proud sa sarili niya. "Isang halik lang, 'di ba?" biro ko. "That felt like more than one." Tumawa siya at tumingin sa akin na parang inosente. "Ewan ko, baka nasobrahan lang ako. Nami-miss nga kasi kita." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumawa na rin ako. Napansin ko ang dalawang maleta sa tabi ng pinto. Nilingon ko si Nyle na parang walang ginawa kundi ngumiti na para bang inosente. "Huwag mong sabihing...," hindi ko na tinapos ang tanong ko dahil halata naman ang sagot. "Oh, ayan. Alam mo na pala," sagot ni Nyle, sabay lapit sa akin na parang walang nangyaring kakaiba. "Teka, Nyle, ano ‘tong mga maleta?" tanong ko sabay turo sa mga gamit niya. "Akala ko bibisita ka lang pero mukhang balak mo nang lumipat?" Ngumiti siya nang malapad na parang proud sa sarili. "Gusto ko nang mag-move in. Seryoso, nami-miss na talaga kita." I sighed. Nakakaasar pero pinipigilang kong magpakita ng inis. "For the second time today, narinig ko na ‘yang ‘nami-miss kita.’" Nilapitan niya ako at hinawakan sa balikat na may halong paglalambing. "Xander, alam mo naman na mas okay tayong magkasama. Masaya ka din kapag nandito ako kahit hindi mo aminin." Conceited much? Napatingin ako sa mga maleta ulit, sabay tumingin pabalik sa kanya. "Nyle, alam mo bang hindi ka pwedeng basta-basta lang mag-move in nang hindi man lang nagpapaalam?" "Pa'no kung hindi ito request?" sagot niya, sabay taas ng kilay na parang batang naghahanap ng kakampi. "Alam mo naman na dito na rin mapupunta 'to." Napalunok ako at huminga ng malalim. Gusto ko siyang paalisin ngayon pero gabi na saka pagod na para makipagdiskuayon pa. "Sige na nga," sagot ko na parang wala na akong choice. "Pero Nyle, next time, pwedeng paalam muna bago mo iparada ang mga maleta dito?" Tumawa siya ng malakas, halatang aliw sa sitwasyon. "Promise, next time magpapaalam ako." Napailing na lang ako. "Wala na rin naman akong magagawa, eh. Nandito ka na." Ngumiti siya, parang sobrang saya na nakuha ang gusto. Tumawa siya ulit at binitbit ang mga maleta papasok. Alam ko nang simula na naman 'to ng bagong chapter namin—at kahit nakakapagod minsan, gusto ko pa rin siyang kasama. --- Paglabas ko ng kwarto matapos magpalit ng damit, naamoy ko agad ang niluluto ni Nyle. May halong butter at bawang ang amoy na bumalot sa buong condo. Iniscan ko ang laman ng ref kahapon. Alam kong halos wala nang matino doon—hindi pa ako nakakapag-grocery mula noong nakaraang linggo. Kaya medyo curious ako kung ano na lang ang nailuto ni Nyle. Pagpasok ko sa kusina, nakita ko siya nakatayo sa harap ng stove. Abala siya sa pag-ikot ng isang pan. Sa mesa, may dalawang plato ng scrambled eggs na halatang may halong herbs, at may toasted bread sa gilid. Nakaayos din ang ilang slices ng kamatis at konting keso. Simple pero mukhang masarap. May isang tasa ng kape rin na nakahanda para sa akin. “Wow, saan mo nakuha ‘to?” tanong ko, hindi makapaniwala. "Akala ko ubos na ang stocks ko." Natawa siya habang nag-aayos ng huling piraso ng toast. “May konting tira pa sa pantry mo. Nag-improvise lang ako.” Lumapit ako at tiningnan mabuti ang pagkain. Mukha talagang presentable at kahit paano, mukha talagang masarap. Umupo ako sa mesa, kunot-noo pero may ngiti sa labi. “Impressive. Hindi ko akalain makakagawa ka ng ganito sa konting natira.” Umupo siya sa harap ko at ngumiti nang may kumpiyansa. “Siyempre naman. Alam mo naman ako kaya kong mag-adjust kahit saan.” Napangiti ako, hindi mapigilang humanga. "You really outdid yourself this time, Nyle." As always, the chef himself. Tumingin siya sa akin at masaya sa narinig. "Basta para sa 'yo, Xander, gagawin ko lahat. Kahit pa kulang-kulang ang ingredients, hindi pwedeng wala tayong breakfast." Napangiti ako nang mas malalim at nagsimulang kumain. Pagkatapos ng ilang subo, hindi ko napigilan ang pag-tingin ulit sa kanya. Ang sarap, totoo lang. At naisip ko, sa simpleng bagay na ganito iba talaga kapag siya ang gumagawa ng effort. Natawa si Nyle, halatang napansin ang paghanga ko. "Masarap ba?" Tumango ako. "Masarap. Buti na lang nagising ako nang maaga." Pag-upo ni Nyle sa harap ng mesa, kinuha niya agad ang tinidor at nagsimulang kumain. Tumahimik sandali ang paligid habang sabay kaming kumakain. Nang matapos ko ang unang plato, sinulyapan ko si Nyle. "Pagkatapos nito, iwan mo na lang ang mga hugasin. Maghanda ka na, baka mahuli ka sa trabaho." Napansin ko agad ang pagbabago sa ekspresyon niya. Parang may bumigat sa hangin. "Pinaaalis mo na ba ako?" tanong niya na may halong lungkot. Napairap ako. "Nyle, seryoso ka ba? Hindi kita pinaaalis. Kailangan mo lang magtrabaho. Drama mo na naman." Nagpakawala siya nang malalim na buntong-hininga. Parang bata na inagawan ng laruan. "Akala ko kasi gusto mo na akong paalisin." Pinagmasdan ko siya nang ilang segundo, tapos napailing na lang ako. "Nyle, huwag kang magdrama. Hindi ko sinasabi 'yan. Alam mo naman kailangan mong magtrabaho, 'di ba?" --- Pagkatapos tapusin ni Nyle ang tawag sa telepono, ngumiti siya nang pagkalaki-laki. Para bang may pinaplano na naman siya. Nilapag niya ang phone sa mesa at sabay tingin sa akin na parang excited. "Pinacancel ko lahat ng commitments ko today," sabi niya. Kaswal lang pero may halong pagmamalaki. "Gusto kong makasama ka buong araw." Napataas ang kilay ko at napatingin sa kanya na medyo hindi makapaniwala. "Talaga? Wala ka bang importanteng meeting?" Umiling siya at ngumiti nang mas malawak pa. "Wala. Lahat kinansel ko. Sabi ko sa kanila, mas may mahalagang kailangan akong gawin." Pinilit kong hindi matawa pero hindi ko rin napigilan. "At ano naman ‘yung mahalagang kailangan mong gawin?" Lumapit siya at tumayo sa tabi ko, tapos inakbayan ako. "Ikaw, syempre. At saka..." tumingin siya sa loob ng ref, sabay turo sa halos walang laman na shelves, "Kailangan mo nang mag-grocery. Wala ka nang stock dito, baka puro tubig na lang ang kainin natin mamaya." Napailing ako pero may punto siya. "Okay, fine. Grocery tayo pagkatapos nito. Tutal wala ka rin palang gagawin." Ngumiti siya at halatang nasisiyahan sa idea. "Good. Para naman may laman ‘tong ref. Tapos sabay tayong magluto mamaya." "Kung ganyan, ikaw na bahala sa lahat ng lulutuin," pagbibiro ko pero alam kong matutuwa siya sa idea. "Magaling ka naman, eh." Natawa siya at mukhang nagustuhan ang idea ko. "Challenge accepted." Nagpatuloy kami sa pagkain, pero ngayon mas magaan na ang atmosphere. Malamang magiging masaya ang araw na 'to. Minsan, akala ko hindi ko na mararamdaman 'to. Na yung mga taon na nawala, hindi na mababawi. Pero siguro... hindi pa huli ang lahat. Siguro pwede pa kaming magsimula ulit, mula sa mga simpleng bagay na tulad nito. Ngayon ko lang napansin kung gaano ko siya nami-miss. At kung gaano ako kaswerte na nandito pa rin siya, kahit gaano pa kagulo ang lahat noon. Ganito pala ang pakiramdam ng buhay may asawa—hindi laging perpekto, pero sapat na para maramdaman mong kaya niyong harapin ang kahit anong dumating.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD