Paglabas namin ng condo, napansin kong nalimutan ko pala ang phone ko sa unit.
"Teka lang, naiwan ko yung phone ko," sabi ko kay Nyle habang papunta na kami sa kotse.
"Huwag mo nang kunin, Xander," sagot ni Nyle, medyo inis ang tono. "Wala ka naman talagang kailangan gawin diyan. Nandito naman ako, ano pa bang ibang dahilan para gamitin mo 'yon?"
Napailing na lang ako at nag-roll ng eyes. Typical Nyle, laging may possessive na side kapag magkakasama kami, pero hindi ko na pinansin.
"Kailangan ko yung phone ko," sagot ko nang kalmado. "In case may emergency o may tawag na importante."
Tumingin siya sa akin, halatang ayaw na akong paalisin para kunin 'yon.
"Talaga bang kailangan mo 'yon? Wala naman sigurong tatawag na mas importante kaysa sa akin ngayon."
Napabuntong-hininga na lang ako. "Hindi lahat ng bagay umiikot sa 'yo, Nyle, 'wag kang OA. Five minutes lang, kunin ko lang talaga."
"Fine," sabi niya, pero halata sa mukha niya na medyo natatampo pa rin. Umakyat ako pabalik sa unit, naririnig ko pa ang mahinang pagmamaktol niya mula sa kotse.
Habang kinukuha ko yung phone, napapaisip ako. Minsan nakakatuwa yung pagiging possessive niya, pero minsan talaga... over the top. Pero at the same time, alam ko naman na ganyan lang siya dahil ayaw niyang ma-distract ako kapag magkasama kami. Nagsisimula pa lang ulit kami, kaya siguro naiintindihan ko na rin kahit papaano.
Nakababa na ako. Nang binuksan ko ang pinto, imbes na sa harap ako umupo, dumiretso ako sa likod at naupo doon na parang pasahero.
Napansin agad ni Nyle, kaya sinita niya ako. "Ano na naman 'yan, Xander? Bakit ka sa likod naupo?" tanong niya na halatang nagtatampo. "Ano 'ko, taxi driver mo?"
Hindi ko napigilan ang tawa ko. "Well, ang ganda ng service, 'di ba? Masarap ang almusal, may hatid-sundo pa."
Umatras siya nang kaunti at seryoso ang tingin sa rear mirror.. "Seryoso ka ba? Umupo ka na dito sa harap, ayokong magmukhang driver mo."
Nakangiti akong umiling pero alam kong hindi na niya ako titigilan hanggang hindi ako lumipat.
"Grabe ka, Nyle. Kaunting biro lang, agad-agad namang nagmamaktol," sabi ko, pero tumayo na rin ako at pumunta sa tabi niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto.
"Ayan, masaya ka na?"
Ngumiti siya pero halata ang satisfaction sa mukha niya. "Much better. Hindi pwedeng hindi ka dito sa tabi ko."
"Joke lang kasi."
Napatingin siya sa akin at nag-smile, pero may halong inis pa rin. "Pwede namang wala na 'yan eh," bulong niya. Nakita kong bumabalik na ulit ang good mood niya habang sinisimulan niyang paandarin ang sasakyan.
"Pwede rin namang wala kang reklamo," sagot ko, sabay ngiti rin.
At least, sa ganitong mga pagkakataon, natutunan ko nang hindi masyadong patulan ang pagiging possessive niya. Nakakainis man minsan, pero ganito talaga siya.
---
Habang naglalakad kami sa grocery, punong-puno na ang cart ng kung anu-anong kailangan sa unit. May mga bagong utensils, plato, at mga baso—dahil lahat ng gamit ko ay pang-isahan lang, sapat na para sa akin lang dati. Pero ngayon, heto na kami ni Nyle, namimili ng para sa aming dalawa.
Napansin ko ang dalawang mug na hawak ko. Pareho ang design pero magkaiba ng kulay—isang blue at isang orange. Inabot ko ‘yung mga toothbrush din, ganun din, magkaparehong brand pero iba ang kulay.
"Teka," sabi ko, habang tumigil ako para harapin si Nyle. "Okay lang ba talaga sa 'yo na tumira sa condo? Hindi ka ba nasisikipan?" Alam kong malayo sa laki ng mansyon nila ang unit ko.
Tumingin siya sa akin, may halong kaseryosohan sa mata. Pero ngumiti rin siya, at tinapik ako sa balikat.
"Alam mo, Xander, wala ako doon sa laki ng lugar. Ang mahalaga sa akin, kasama kita."
Napatigil ako sa sinabi niya. Simpleng mga salita lang pero may bigat. Matagal ko na ring iniisip kung magiging komportable ba siya dito, pero heto siya, nagpapakita ng walang alinlangan.
"Baka hindi ka makahinga sa liit ng unit ko?" biro ko pero may halong tanong pa rin.
"Alam mo," ngumisi si Nyle, "Mas mabuti pa ngang mas maliit ang espasyo, at least, hindi ka na makakatakas agad sa'kin."
Tumawa siya na sinamahan ng kindat. Napailing na lang ako, sabay balik ng mugs at toothbrush sa cart.
"Ikaw talaga, lagi kang may hirit."
"At ikaw, Xander, lagi kang nag-aalala sa maliliit na bagay. Huwag kang mag-alala, okay ako doon," seryoso niyang dagdag.
Ngumiti ako. Kahit papaano, nakagaan ng loob ‘yung sinabi niya.
---
Matagal-tagal na rin noong huling beses na lumabas kami ni Nyle, kaya ngayong araw, parang bigla kaming bumalik sa dati. 'Yung mga araw na wala kaming iniisip kundi mag-enjoy, walang trabaho, walang gulo—parang kaming magkaibigan ulit na first time lang mag-date.
Iniwan namin ‘yung mga pinamili sa baggage counter at naglakad-lakad sa loob ng mall. Naglaro kami sa arcade, at kahit hindi ko na matandaan kung kelan ako huling humawak ng game controller, sobrang saya pa rin. Nagtatawanan kami, lalo na kapag may natatalo sa amin. Nyle, as usual, mas competitive pa rin. Tapos, sa bowling, kung anu-anong diskarte pa ‘yung ginawa namin. Minsan pa nga tinatawanan ko siya dahil palaging sablay, pero minsan lang naman, dahil ang galing din niya kapag sineryoso niya.
Pero 'yung pinakamalupit? ‘Yung pinipilit niya akong sumali sa Just Dance. My goodness! Ayaw ko talaga. Wala akong rhythm. Hindi ako marunong sumayaw at mukha pa kaming tanga! ‘Yung itsura pa lang ni Nyle habang sumasayaw, akala mo hindi siya CEO. Nakakahiya na, and besides, ang tatanda na namin. Sabi ko nga, hindi ba dapat kami nasa coffee shop na lang o nanonood ng sine? Pero hindi.
Siya, walang pakialam—ganun pa rin, parang bata, pilit na tinutulak ako sa stage para sumayaw.
Hindi ko alam kung paano ko siya natiis noon pero eto pa rin kami, nagtatawanan sa simpleng bagay. At kahit na tinatawanan ko siya sa Just Dance, at pinipilit kong hindi ako matawa nang malakas, hindi ko mapigilang isipin na ang saya pala nito. Ang saya ng buhay na ganito kasama siya, kahit sablay kami sa pagsasayaw.
---
Pagdating namin sa condo, 10PM na. Bitbit ko pa rin ‘yung mga pinamili namin buong araw. Si Nyle, as usual, gusto kunin lahat ng dala para paunahin ako sa unit, pero syempre, hindi ako pumayag. Kaya ko naman, hindi naman ako fragile. Pero hayun siya, mapilit pa rin. Gentleman daw sabi niya.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o kikiligin sa pagiging over-the-top niyang ganito. Parang gusto niyang patunayan na kaya niyang gawin lahat para sa’kin. Pero, siyempre, hindi ako magpapatalo. Hindi naman ako helpless, diba? Kaya ang ending, naghati na lang kami sa mga bitbit.
Nakakatawa, kasi ang dami naming pinamili, parang ang tagal-tagal ko nang hindi nag-stock ng ganito karami.
Habang naglalakad kami papunta sa unit, hindi ko maiwasang mapaisip. Hindi ko naman hiningi kay Nyle na maging ganito siya, pero ang sarap pala ng pakiramdam kapag may taong gusto kang alagaan, kahit sa maliliit na bagay lang. Sobrang cheesy, pero minsan, kailangan ko rin pigilan sarili mong kiligin, lalo na kapag siya ‘yung dahilan.
Habang naga-unpack ako ng mga pinamili, napansin ko may mga bote ng Jack Daniel’s sa isang bag. Tatlo pa. Napatigil ako saglit, at tinignan ‘yung mga bote na parang may mali. Hindi ko maalala na may nilagay akong ganito sa cart kanina.
Tumingin ako kay Nyle, at doon ko na lang napansin na malaki ang ngiti niya habang may hawak na dalawang glass.
"Saan galing ‘to?" tanong ko, sabay turo sa mga bote.
Nakangisi pa rin siya, parang may tinatagong kalokohan. "Surprise," sagot niya, sabay kuha ng isang bote at binuksan ito.
Napailing na lang ako. “Kaya pala ang bigat nung isang bag... Ano na naman balak mo?"
Inilabas niya mula sa isa pang plastic bag ang ilang snack packs—nachos, cheese dip, at pepperoni slices.
“Ano pa nga ba? Konting unwind lang. Matagal na rin tayong hindi nagre-relax nang ganito, ‘di ba?” sabi niya, sabay lagay ng mga snacks sa mesa.
I rolled my eyes. "Jack Daniel’s at pepperoni? Mukhang may balak ka talaga, ha."
Natawa si Nyle. "Wala naman, babe. Gusto lang kitang i-spoil. Kailangan mo ng pahinga. Alam kong pagod ka na rin sa trabaho."
Tumango ako, pero hindi ko maiwasang mapaisip.
"Alam mo, hindi mo naman kailangang bumili ng ganito kadami," sabi ko habang hawak ang isang bote ng whiskey. "Isang bote lang, okay na ‘yun."
Ngumisi ulit siya habang nakatutok ang mga mata sa’kin. "Oo nga, pero tatlo para sigurado. Para may back-up kung magkulang."
Napailing ako.
Habang magiliw na inaayos ni Nyle ang mga pinamili sa kitchen, hindi ko mapigilang mapansin kung gaano siya kasaya. Napaka-natural na lang sa kanya, parang kabisado na niya ang bawat sulok ng unit ko kahit ilang beses pa lang siya nakapunta dito noon.
Nakaayos na ang mga groceries, at sinasabit pa niya ang mga bagong utensils na binili namin. Napangiti na lang ako habang tinitingnan siya. Mukhang settled na settled na talaga si Nyle dito, na parang ito rin ang bahay niya.
Pagkatapos ay kinuha niya ang isang bote ng Jack Daniel’s at binuksan ito nang may kasiyahan sa kanyang mga mata. Mukhang may plano si Nyle, at alam ko nang hindi lang ito basta simpleng inuman lang.
"Xander..." malambing niyang pagtawag sa 'kin.