Kapag si Nyle na ang nagdesisyon ay wala na akong magagawa. I admitted I'm the nagger in the relationship but he's the final say. And everything has changed when he started to ruined our relationship.
He is my first boyfriend. Siya rin ang firsts ko sa lahat ng bagay, sa kanya ako natuto.
Sabi noon ni Tessa na maraming gustong makipagkilala sa akin noong high school pero hindi lang nakaaabot sa akin dahil hinaharang ni Nyle. Dumating pa sa puntong muntik pang makipagbasag ulo si Nyle dahil sa nalaman niyang mayroong gustong manligaw sa akin na hindi ko naman alam.
Naging masaya kami hanggang sa naikasal kami.
---
Two years ago, I caught him having an affair with someone else. Sa mansyon pa nila kami nakatira noon.
Every night palagi siyang may kausap sa phone. Noong una, inintindi ko dahil baka tungkol iyon sa trabaho niya pero napansin kong napapadalas. Everyday lagi siyang nago-overtime sa trabaho. I also experienced the common signs when someone is cheating.
I woke up in the middle of the night, kinapa ko ang tabi ko saka napansing nawawala si Nyle sa tabi ko. I was about to leave the when I heard his voice, sa veranda habang may kausap sa phone.
"-sure! It's not gonna easy right?" he chuckled. "That wouldn't be a problem. Don't worry hindi niya malalaman."
Sa ilang araw nang pagmamasid ko sa kinikilos niya ay isa-isa kong napagtatagpi ang lahat. Kaya pala nawawalan na siya ng time sa akin. We rarely see each other. We don't go on a date either.
Natigilan ako sa mga sunod kong narinig mula sa kanya, "I'm coming to see you."
Hindi na ako nakatulog ng gabing iyon. Ramdam ko ang pagyakap niya sa akin pero pakiramdam ako ay nadadarang ako. I let my tears flow on my face to ease the pain.
Minabuting kong hindi na ipaalam sa parents niya ang mga nalaman ko. Tanging mga malalapit lang na tao ang nakakaalam tulad nina Tessa, Brian at Kyla. Salamat at naging tikom ang bibig ni Kyla sa parents niya. Ayaw kong gumawa ng iskandalo na ikasisira ng pamilya niya. I am aware that Chavez is the big fish in the sea kaya wala akong laban.
Walang narinig si Nyle na salita mula sa akin. Kahit alam kong palihim siyang nakikipagkita sa sa kung sinuman.
One day, umuwi siyang lasing na lasing, galing sa company party. First thing I knew, I smell the scent of woman's perfume on his shirt. Masakit sa ilong ang amoy. Tinulungan ko siyang magpalit ng damit. Nagulat ako nang makakita ng lipstick stain sa collar ng polo niya. I scratched the stain at mukhang kalalagay lang.
I tapped his face and I saw him twitched. That night, instead of helping him to change his clothes. Umiyak ako sa tabi niya habang sinisisi ko ang sarili kung saan ako nagkamali.
Hindi ko siya nagawang komprontahin dahil natatakot ako sa magiging sagot niya. Hindi ko kayang marinig kung harapan niyang ipamumukha sa akin na may iba siya.
Ilang araw ang lumipas ngunit hindi pa rin ako matahimik. I tried to open up pero palagi rin ako nagba-back out. Dinadaga ako. Sa t'wing uuwi siya ay tanging pagtulog ang ginagawa niya, maaga siyang aalis para magtrabaho kinabukasan. Gigising ako sa umaga ng may bago akong damit, sapatos, relo, at iba pang mga alahas.
I don't need his richness. I need him as a person, as my husband.
Habang tutok ako sa social media ay naka-received ako ng video from an unknown person. Mukhang dummy account ang gamit.
Binuksan ako ang message at sinimulang i-play ang video. Gumuho ang mundo ko habang nasasaksihan si Nyle kasama ang isang babae. Kuha ang video noong company party exclusive para sa mga employees. Halata na sa kanya ang tama ng alak. Inaalalayan siya ng babae habang hinahalikan ito sa labi. Narinig ko rin ang matinding hiyawan sa background.
May tumakip sa screen at natapos ang video.
Natulala ako sa nakita. Hindi ko alam kung anong ire-react ko. Hindi ko nagawang umiyak dahil ubos na ang mga luha ko. Pagod na pagod na ako. Dalawang taon pa lang kaming kasal noon pero nagawa na niya akong lokohin.
Itinaon ko na wala si Nyle sa mansyon. Lumayas ako at nagpakalayo-layo. Iniwan ko lahat ng gamit ko dahil hindi ko pagmamay-ari ang lahat ng iyon.
Pinagtaguan ko siya. Sinubukan kong bumalik sa dating ko tirahan pero nalaman kong minamanmanan na iyon ng mga tauhan niya. Nakiusap ako kay Tessa na kung pwede ay mag-stay ako sa kanila ng ilang araw. Hindi pa natatapos ang araw ay nalaman ni Nyle kung saan ako nagtatago.
Sinubukan kong umalis ng bansa pero sa immigration pa lang ay hinarang na ako. Alam kong ginamit niya ang connections niya para mahanap ako.
I confronted him when we got home. He explained everything. Mula sa pagalis-alis niya, lipstick stain sa damit, at maging ang video.
"Iyon ang totoo, Xander!" he massaged his temple. "Lasing ako ng gabing 'yun. Hindi ko alam ang nangyari."
Hindi ako nakinig sa mga eksplanasyon niya. Ayaw kong dagdagan ang mga kasinungalingang papasok sa tenga ko.
"I had enough, Nyle! Pagod na ako."
Noong araw na iyon ay nagsama-sama na rin ang frustrations ko sa buhay. Feeling ko hindi ako nababagay sa pamilya nila. Nakaririnig din ako ng panlalait sa iba nilang kamag-anak dahil galing ako sa hirap. Walang pamilya, educational background ko, pati na rin ang sexuality ko.
Naimbitahan kami noon dumalo sa Christmas celebration ng pamilya nila. Nandoon rin pati ang iba pa nilang kamag-anak.
"Hi, hijo," bati ng isa sa mga tiyahin niya. "Long time no see."
"How are you, Tita?" pagbati pabalik ni Nyle. "I wanted you to meet, Xander."
"Nice too meet you po."
"So..." Hindi nakaligtas sa paningin ko kung paano niya ako tignan mula ulo hanggang paa. "Rumors are true."
"Excuse me," singit ni Nyle dahil bigla siyang tinawag ng isa sa mga pinsan niya. "You guys can get along."
Nakita kong papalayo na siya. Gusto ko siyang sundan pero ayaw kong maging bastos sa harap ng tiyahin niya.
"Saan ka napulot ng pamangkin ko?" she lowered her eyeglasses. "May itsura ka naman pero kung saan ka man galing ay hindi ka nababagay dito. I don't know what you did to my nephew and he married a man?! Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa utak ng kapatid kong si Eddie at pumayag siya!" Tumaas ang kilay niya. "What's your bachelor's degree?"
Hindi ako nagsalita dahil wala rin naman akong isasagot. Hindi ako nakatapos ng pag-aaral.
"What do I expect from the gold digger?" she rolled her eyes and left.
Iniyak ko sa banyo lahat ng sama ng loob ko. Hindi nila alam ang pinagdaanan ko para husgahan nila ako. Gustong kong magwala. Hindi ko deserve ang ganitong trato.
Until, we met halfway. We tried to make an agreement. Hindi na ako aalis ng bansa pero hindi na ako titira kasama siya, kaya pinili kong nanirahan malayo sa kanila.
---
At first, everything is doing well. Malaya ako, walang istorbo. Hanggang sa nagpumilit na naman si Nyle sa gusto niya. Araw-araw siyang nagpapadala ng mga tauhan niya para i-monitor ako. Araw-araw ko rin silang tinataboy at tinakot na aalis ako at magpapakalayu-layo.
Nang mga sumunod na araw ay wala na akong tauhan na nakita dahil siya na mismo ang pumunta. I tried to file a TRO case but it was lifted immediately, of course because of his strong influence. One of the benefits of being rich and a tycoon in the country.
Kahit lifted na ang kaso, hindi ko siya hinayaang makalapit sa akin.
I stand on my own, nagtrabaho ako. Pumasok ako sa maliit at hindi kilalang modelling agency since ito lang ang alam kong gawin. Madali akong nakuha sa trabaho at naging regular. Marami rin akong nakukuhang endorsement kaya kumikita ako ng malaki-laki.
Little did I know that agency is one of the business of Chavez Empire. Kaya pala pabor sa akin ang lahat, kaya pala sunud-sunod ang projects na nakukuha ko. Pinamukha niya sa akin na hindi ko kayang mabuhay kung wala ang tulong niya. Ginagamit ni Nyle ang yaman niya para itago ako.
Ilang buwan ang lumpas at lumipat ang agency sa magandang building, mas malaking studio at maayos na office na pagmamay-ari ng mga Chavez.
Hindi ko alam kung bakit kahit anong gawin ko ay hindi ako makawala sa kuko nila.
---
Nakatulala ako sa labas ng bintana. Naputol ang pag-iisip ko nang mapansin ang pamilyar na paligid. Nagsisimula nang magkaroon ng disenyo ang mga halaman. May bricks design na rin ang daang tinahak namin.
Noon akala ko sa pelikula lang nage-exist ang ganito kalaking mansyon. Mas malaki pa ito sa inaasahan ko.
When we reached the gate, it opened automatically. Inihinto ni Nyle ang sasakyan saka kami bumaba.
Bago kami pumasok ay inilahad niya ang kamay niya.
Tumaas ang kilay ko. "Para saan?"
"Wala lang," hinawakan niya ang kamay ko kahit hindi ko sinasabi. "Tara na?"
Nakita kong palabas si Kyla ng bigla siyang mapahinto. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako.
"Kuya Xander!" Sa lakas ng sigaw niya ay may napansin akong mga kasambahay na nakikiusyoso. "I missed you, Kuya."
"Don't be exaggerated. Kakakita lang natin a few weeks ago."
"Kill joy," lumingon ito sa kapatid. "Ikaw, bakit ka nandito?"
"That's because this is where I lived."
"Talaga?" tumaas ang kaliwang kilay ni Kyla. "Kailan pa? Two years ago?"
Nagsalubong ang dalawa kong kilay. It means hindi na umuuwi dito si Nyle two years ago. Tama ba ako?
"Oopps! Sorry," dagdag ni Kyla.