"Sigurado ka ba?"
Tinitigan ko siya, pilit hinahanap sa mukha niya ang kahit anong tanda na baka biro lang 'to, o kung nahihibang na ba siya. Pero seryoso ang mukha ni Nyle. Desidido. Hawak pa rin niya ang kamay ko, hindi siya bumibitaw.
"Oo, Xander. Sigurado ako," sagot niya, kalmado pero may bigat ang boses niya. "Gusto kong magkaroon tayo ng anak."
Natawa ako pero halatang pilit. "Paano, Nyle? Pareho tayong lalaki. Wala akong matres para magbuntis." Hinila ko nang kaunti ang kamay ko pero mas hinigpitan niya ang kapit na para bang ayaw niya akong pakawalan.
Huminga siya nang malalim at nag-ipon nang lakas ng loob. "I know. Alam ko 'yan. Kaya nga..." Tumigil siya, tumingin sa akin nang diretso, parang nagsusumamo. "Kaya nga two years ago, naging busy ako. Hindi ko sinabi sa'yo noon, and I should've. I know I messed up. I was looking for options, Xander. Adoption or surrogacy."
Natigilan ako. Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang sinabi niya. Ang akala ko noon, may ibang taong involved, I mean third party. Ang lahat ng hinala ko, ang sakit na naramdaman ko-pinalala ng mga pagkukulang niya ng mga gabing wala siya.
Pero ngayon, he's telling me this? Damn!
"You were looking for options?!" Halos hindi ko makontrol ang tono ko. "Naghahanap ka ng paraan para magkaroon tayo ng anak pero hindi mo sinabi sa akin? Ginawa mo 'to mag-isa?"
Umiling siya. Bumuntong-hininga at hinawakan nang mas mahigpit ang kamay ko. "I wanted to surprise you, Xander. I thought it was going to be something beautiful, something we could share together. But I made a mistake-I should've told you. I should've included you from the beginning."
Nakatingin lang ako sa kanya, hindi ko alam kung magagalit ako o maaawa sa sitwasyon. Gusto ko siyang intindihin pero dalawang taon na ang sakit na kinikimkim ko. Dalawang taon kong pinagdudahan ang bawat gabing wala siya. Bawat tawag na hindi sinasagot. Bawat pagkakataon na parang napakalayo niya kahit magkasama kami.
"Ang daming beses na inisip ko na may iba ka," pag-amin ko, halos pabulong pero alam kong narinig niya. "Ang daming gabing naghintay ako, nag-alala ako, nagtaka ako kung saan ka. Hindi ko alam na ganito pala ang pinagkakaabalahan mo."
Pumikit si Nyle, parang nasasaktan din sa mga sinabi ko. "I know. I know I hurt you, and I'm sorry for that. I was wrong to keep you in the dark. I was wrong to let you think the worst of me. But Xander, I never cheated on you. It was always about us, about our future."
Hindi ko maiwasang mapailing. Napalunok ako nang malalim. "Ang hirap tanggapin, Nyle. Ang hirap kasi, bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit ginawa mo mag-isa? Paano mo inisip na magiging okay 'to, na hindi kita paghihinalaan?"
Umupo kami pareho, magkatapat. Nararamdaman ko ang kabigatan ng usapan namin. Ramdam ko ang init ng kamay niya pero parang hindi iyon sapat para palamigin ang sakit sa puso ko.
"I thought I was doing the right thing," sabi niya, halos paos ang boses. "I thought surprising you with this news would make you happy. But I didn't realize I was pushing you away. I'm sorry, Xander. I should've told you."
Tinitigan ko siya nang matagal. Sa kabila ng lahat, alam kong sincere siya. Pero hindi ganoon kadali. Dalawang taon na rin akong nasasaktan at naguguluhan.
"Kaya ba halos araw-araw kang wala noon? Kaya ba parang hindi na kita maabot?" tanong ko na medyo nanghihina ang boses ko.
Tumango siya, bakas ang lungkot sa mga mata niya. "Yes. I was talking to agencies, meeting with lawyers, trying to find the best options for us. But I should've shared it with you. I should've trusted you with this. I let my desire to surprise you blind me to what you were feeling."
Napayuko ako habang nag-iisip. Gusto kong magalit pero sa totoo lang, mas nangingibabaw ang gulo sa utak ko.
"Now that you know," patuloy niya, dahan-dahan ang bawat salita, "I'm asking if we can move forward together. If we can still try to have a family. I want that with you, Xander."
Tumingin ako sa kanya at pilit na hinahanap ang sagot sa sarili ko.
---
Pagkahinto ng sasakyan sa parking ng condo, agad akong bumaba, hindi man lang tumingin kay Nyle. Hindi na ako nagpahatid sa mansion. Isinara ko ang pinto nang hindi siya kinikibo. Tahimik lang ang buong biyahe pero ramdam ko ang bigat ng hangin sa pagitan naming dalawa.
"Xander..." tawag ni Nyle mula sa loob ng sasakyan, boses niya'y mabigat at puno ng pag-aalala.
Hindi ako tumingin sa kanya pero saglit akong tumigil at pilit hinahanap ang tamang isasagot.
"Nyle," panimula ko. Hindi ko rin alam kung paano ko tatapusin. "Kailangan ko munang mapag-isa. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Galit ba ako, o nasasaktan?"
Napatigil ako. Pinipigilan ang sarili na magalit nang todo, Gusto ko siyang murahin sa totoo lang. Masakit pa rin.
"I get it," sagot ni Nyle. Mabagal at kalmado pero may kirot. "I'll give you time. Pero sana, Xander, huwag mo akong isuko."
Hindi ako sumagot. Tumalikod ako at tahimik na naglakad papasok ng condo. Habang papasok na ako sa building, muli akong tinawag ni Nyle.
"Xander," mahinahon niyang sabi, halatang may alinlangan. "Can I use your toilet?"
Napahinto ako at bahagyang nagulat sa simpleng pakiusap. Sa kabila ng lahat ng nangyari, hindi ko magawang hinding mag-panic. Alam kong seryoso siya at wala akong rason para tanggihan ang isang bagay na gano'n lang kasimple.
"Okay, fine. Sige," sagot ko, "Halika."
Nang hindi na ako nagdalawang-isip, tinungo namin ang elevator. Tahimik lang kaming dalawa. Ang bigat ng sitwasyon ay parang bumabalot pa rin sa hangin.
Pagdating namin sa loob ng unit ay agad kong itinuro ang banyo.
"Do'n ka," malamig kong sabi sabay lakad patungo sa sofa at naupo. Naramdaman kong bumibigat ang dibdib ko habang tinitingnan ko ang paligid. Ang daming alaala dito-dito ko madalas tumakas sa gulo ng mundo, dito ako tahimik at nag-iisa kapag kailangan kong mag-isip.
At ngayon, heto si Nyle, kasama ko pero parang napakalayo ng agwat namin.
Pumasok si Nyle sa banyo at naiwan akong nag-iisip. Iniisip ko kung paano nga ba kami umabot sa ganito. Paano kami nagkaroon ng gap na sa tingin ko ay hindi ko kayang lampasan?
Ilang minuto ang lumipas, lumabas si Nyle mula sa banyo. Tahimik siyang lumapit sa akin. Tumayo siya sa harapan ko, hawak ang mga kamay sa gilid na parang may gustong sabihin pero hindi alam kung paano sisimulan.
"Xander," sabi niya, "Ayoko ng ganito... Gusto ko lang sana ipaliwanag lahat ng nangyari. Alam kong nasaktan kita, pero—"
Bumuntong-hininga ako nang malalim, hindi ko siya pinapansin agad. Nakatingin lang ako sa sahig. Pero may bahagi sa akin na gustong marinig siya,l na kahit sobrang sakit pa rin ng mga nakaraan.
"Pwede bang makausap kita nang maayos?" patuloy ni Nyle, halatang nagsusumikap makuha ang atensyon ko.
Nang makita ni Nyle na hindi ako agad tumugon, inilagay niya ang dalawang kamay sa magkabilang pisngi ko. Ramdam ko ang init ng kanyang mga palad, at bago pa ako makapagprotesta, marahan niyang inilapit ang kanyang mukha. Nagtama ang aming mga mata, puno ng pagsisisi at pagnanasa. At bago ko pa man namalayan, hinalikan niya ako sa labi-sabik, puno ng damdamin.
Ang init ng halik niya ay parang nagdala ng biglaang alon ng emosyon sa akin. Sa kabila ng galit at sakit na nararamdaman ko, hindi ko maiwasang maramdaman ang matinding pagnanais. Ang bawat halik niya ay nag-aalab, parang may pinipilit siyang iparating ang mga salitang hindi kayang sabihin ng basta salita.
Dahan-dahan, ang mga kamay ko ay gumapang sa likod niya, nag-aalangan ako pero hindi ko na rin napigilan ang sarili ko.
Mula sa kanyang pisngi, bumaba ang mga kamay niya sa balikat ko, at naramdaman ko ang marahang paghila niya sa pang-itaas ko. Hindi ako tumutol. Hinayaan kong hubarin niya ang damit ko. At siya rin, agad na hinubad ang suot na shirt, ibinato ito sa gilid.
Ang mga katawan namin ay nagdikit at mas naramdaman ko ang init niya. Ang mga kamay niya ay nagsimula nang maglakbay sa likod ko, tila sinasaliksik ang bawat sulok ng balat ko. Bawat galaw ay nagpapalalim ng halikan namin. Ramdam ko ang init ng kanyang hininga, at mas lalo pang lumalim ang mga halik niya-mabigat, sabik, tila gustong bawiin ang lahat ng pagkukulang at sakit na nagdaan.
Humigpit ang yakap niya sa akin. Ang mga labi namin ay hindi magkalas, at kahit may galit at sama ng loob pa ako, ang sandaling ito ay naging isang pagtakas mula sa lahat ng gulo. Ngunit kahit pa dumadaloy ang init sa pagitan namin, may bumabalik na katotohanan sa isip ko-hindi kayang burahin ng mga halik o ng katawan ang mga sugat ng nakaraan.
Sa gitna ng pagkakapulupot namin, dahan-dahang bumitaw si Nyle, humihingal, at tumingin sa akin. Malalim ang mga mata, puno ng pag-asa at pangungusap. Ramdam ko ang bigat ng sitwasyon, kahit pa may saglit na paglimot sa init ng mga sandali.
"Xander... I'm—"
He was about to say something but I cut him off and stopped him from talking, and sealed it with a kiss.